Plunder vs Binay kaugnay ng BSP-Alphaland deal


Nagsampa ng reklamong plunder si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado laban kay Vice Presidente Jejomar Binay kaugnay ng maanomalya umanong transaksyon ng Boy Scout of the Philippines at Alphaland Makati Place Inc.
Kasama sa inireklamo sa Office of the Ombudsman ang mga dating opisyal ng BSP noong si Binay pa ang national president nito.
Ayon kay Mercado nakatanggap ng kickback si Binay kaugnay ng pagpayag ng BSP na ipagamit sa Alphaland ang isang hektaryang lupa nito sa kanto ng Malugay at Ayala Ave., sa Makati City.
Noong 2005 ang lupa ay nagkakahalaga ng P1 bilyon. Ang naturang lupa ay donasyon ng BF Goodrich sa BSP.
Sinabi ni Mercado na mas mababa ang presyo na ibinigay sa lupa ng pumasok sa kasunduan ang BSP at Alphaland.
Nauna ng sinabi ni Mercado na ginamit ni Binay ang P200 milyong natanggap nitong kickback ng tumakbo itong bise presidente noong 2010.

Read more...