De Lima hindi interesado sa suporta ng INC

de-lima-31
SINABI ni Justice Secretary Leila de Lima na wala siyang plano na makuha ang suporta ng anumang grupo, kabilang na ang Iglesia ni Cristo (INC) para sa kanyang pagtakbo bilang senador sa 2016.

“Kung sa tingin po ng ating mga botante ay pwede rin akong magsilbi in another capacity other than being part of the Executive, then, ipapaubaya ko po ‘yan sa electorate,” sabi ni de Lima.

Idinagdag ni de Lima na pag-aaralan din niya kung kailangan niya talaga na manuyo ng isang partikular na grupo.

“Whether or not I will be exerting extra effort and go out of my way and woo any particular group, kailangan ko pa hong matuto tungkol diyan. Kailangan ko pang maintindihan kung iyan ba ay kailangan, iyan ba ay hindi angkop sa prinsipyo natin,” dagdag ni de Lima.

Hindi maganda ang relasyon ni de Lima sa INC matapos siyang akusahan ng maimpluwensiyan grupo na binibigyan niya ng espesyal na atensyon ang kasong inihain laban sa mga lider ng INC.

Si De Lima ay inaasahang mapapabilang sa mga kandidto ng Liberal Party (LP) para sa 2016.

Aniya, nakatakda niyang isumite ang kanyang pagbibitiw kay Aquino babago matapos ang linggo at ito ay epektibo sa Lunes, Okbture 12.

Ayon pa kay de Lima, magkahalo ang kanyang nararamdaman sa kanyang desisyong pumasok sa pulitika.

“Nalulungkot ako na iiwanan ko ‘yung position na five years ko ring sinilbihan. On the other hand, I am excited na meron akong haharapin ngayon na baong mundo,” aniya.

Read more...