Malayo pa umano ang eleksyon kaya malaki pa ang tyansa na umangat ang rating ng ˜terrific team” ng administration candidate na si Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
Sinabi ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., na maituturing na tabla ngayon ang Mar-Leni at ang tambalan nina Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero.
“Alam mo we have a long ways to go but definitely, for all this time we had always thought that Grace Poe and Chiz was the strongest for everybody, now I think they”re just about the same so the next few months will spell the difference,” sabi ni Belmonte.
Sinabi ni Belmonte na makikita sa mga survey na umangat na ang rating ni Roxas at lumapit kay Poe na nangunguna pa rin.
“The elections is still a long ways away and I”m very confident,” ani Belmonte.
Ayon naman kay House majority leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II malaking bentahe ang pagiging babae ni Robredo.
“Mahirap sa kultura ng Pilipino na pagtulungan ng mga lalake ang babae,”ani Gonzales.
Ang kailangan lamang umano ni Gonzales ay magsalita. “Sa pagsasalita niya nagre-reflect yung kanyang intelligence.” Makikita rin umano sa pagsasalita ni Robredo ang kanyang sinseridad na magpapa-angat sa kanya sa survey.