Revilla pinayagang magpasuri ng ngipin

Sen. Bong Revilla

Sen. Bong Revilla

Pinayagan ng Sandiganbayan First Division si Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na magpasuri ng ngipin. Lalabas si Revilla sa kanyang detention cell sa Philippine National Police Custodial Center sa Quezon City sa Oktobre 10, 12, 15, 17, at 19 mula alas-2 ng hapon.
Sasailalim siya sa dental procedures sa Gan Advanced Osseointegration Center sa The Residences, Greenbelt Center, Makati.
Sa inihaing mosyon ni Revilla, sinabi ng kanyang dentista na si Dr. Kristine Shieh na kailangang sumailalim ang senador ng karagdagang gamutan matapos ang kanyang dental surgical procedures.
Noong nakaraang buwan ay sumailalim si Revilla sa âœirrigation of tooth canal, suture or stitches removal, and impression and adjustments of upper and lower stayplate dentures. For permanent solution, full zirconia crown was recommended which procedure needs four to five dental appointments,” saad ng mosyon ni Revilla.
Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pagtanggap umano ng P224 milyong kickback mula sa non government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang Priority Development Assistance Fund o pork barrel fund.

Read more...