BUMABA ang satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay, ayon sa survey ng Social Weather Station noong Setyembre.
Mula sa 64 porsyento noong Hunyo, bumaba ang satisfaction rating ni Binay sa 58 porsyento. Ang dissatisfied sa kanya ay tumaas naman sa 25 porsyento mula sa 22 na nagbibigay ng net rating na 33. Ang undecided ay 15 porsyento mula sa 13.
Ang pinakamababang net satisfaction rating ni Binay ay 31 porsyento na naitala noong Marso. Ang pinakamataas ay 76 noong Agosto 2012 at Hunyo 2013.
Tumaas naman ang rating ni Senate President Franklin Drilon sa 61 porsyento mula sa dating 52. Ang kanyang dissatisfaction rating ay 18 mula sa 24 at ang undecided ay 19.
Nakapagtala naman si Speaker Feliciano Belmonte Jr., ng 34 porsyentong satisfaction rating mula sa 37. Ang kanyang dissatisfaction rating ay 29 mula sa 28.
Si Supreme Court chief justice Lourdes Sereno ay bumaba naman sa 33 posyento mula sa dating 37. Ang kanyang dissatisfaction rating ay 29 mula sa 25.
Ang Senado ay nakapagtala naman ng 44 porsyentong net satisfaction rating at ang Kamara de Representantes ay 26 porsyento.
Sinabi ni House majority leader Neptali Gonzales II na maaaring nakikita ang publiko na maganda nilang ginagawa kaya nananatiling positibo ang kanilang rating.
Ang Korte Suprema ay nakapagtala naman ng 27 porsyentong net rating at ang kabuuan ng gabinete ay 16 porsyento.
Ginawa ang survey ula Setyembre 2-5 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Ang resulta ng survey ay unang lumabas sa BusinessWorld ang media partner ng SWS.
MOST READ
LATEST STORIES