Sikat na youngstar hindi feel makasama ang ‘lukaret’ na promising actress

How true kaya ang chismax na nakarating sa amin na diumano’y agad na umayaw ang isang sikat na young actress na makasama ang isang very promising female star na kung hindi raw sana nagpakabaliw sa pag-ibig ay malamang na super sikat na rin ngayon?
Ayon sa chika, si sikat na young actress na paborito rin ng bonggang network despite her having so many projects na hindi naman klik, ay bibida uli sa isang interesting project kasama ang napapabalitang man of her life.
Ang siste, mukhang nais ng isang production group na isali sa kanila ang nagbabalik na very promising actress na in fairness naman ay maganda at magaling umarte na ngayon din ay pinagtatakhan ng marami kung bakit halos nag-iikot o napapanood sa lahat ng shows ng bonggang network mula sa talk show, dance and comedy show at sa drama.
Ang mga ganu’ng senyales daw ay patunay lamang na nais bigyan ng break o chance muli si comebacking very promising actress ng sinumang nagsusulong ng karir niya sa network, considering na hindi naman siya homegrown talent na gaya ni sikat na young actress, na noon pa man ay iniintriga ding may malakas na “backer”.
Kaya ang tanong ng marami, sino kaya sa dalawa ang mas mananaig? Hala, i-BANDERA na iyan!

Read more...