Julie Anne, Derrick makikipag-showdown sa mga Asian superstars sa Korea

Magpapakitang-gilas ang representatives ng Pilipinas na sina Julie Anne San Jose at Derrick Monasterio sa “One Asia Seoul Mega Concert” na gaganapin sa Seoul City Hall sa bansang Korea.
Makakasama nilang mag-perform sa nasabing concert ang mga sikat na recording artists mula sa iba’t ibang bansa sa Asia gaya ng K-Pop heavyweights na CNBLUE, GOT7 at Ailee, Misia mula sa Japan at Reno Wang na representative naman ng China.
Ipapalabas ang “One Asia Seoul Mega Concert” sa SBS Korean Broadcasting Company.

Read more...