Kilalang singer, sawsawero sa mga isyu; walang ginawa kundi umepal

HARINAWANG nagbago na nga ang tabas ng dila ng isang musikerong ewan kung ano ang gustong patunayan at napakahilig niyang makisawsaw sa lahat ng usapan.
Mahilig mag-text ang musikerong ito, lahat ng mga radio station ay pinadadalhan niya ng mensahe, lalo na kapag meron siyang show sa maliliit lang namang bar.
Nakikisali siya sa mga isyung pampulitika, kapag may napapanahong kontrobersiya ay asahan nang makikisali rin siya, ganu’n kasawsawero ang male singer na ito na mula sa angkan ng mga musikero.
Kuwento ng aming source, “Napakahilig niyang makisawsaw, wala siyang pinalalampas na issue, kung ano ang pinag-uusapan, meron din siyang sariling opinyon.
“Wala naman siyang masabi, nakikisali lang siya, may masabi lang, ganu’n ba? Halatang-halata tuloy na gusto lang niyang nababanggit ang name niya on the air. Napaka-KSP ng singer na ‘yun!
“Nu’ng magkaroon ng benefit show para sa isang male singer, umeksena rin ang a-ning-aning na musikerong ‘yun, siniraan niya ang grupong nagpa-show, wala raw alam ‘yung singer sa mga nangyayari.
“Nakakahiya siya, mismong mga anak nga ng singer ang nanghingi ng tulong sa grupo, nandu’n din mismo sa show ang mga anak ng singer, kaya paano niya mapapaniwala ang iba nilang kasamahan na walang alam tungkol du’n ang nagkasakit na singer?
“Ang totoo, e, siya ang nagpa-benefit show, sangkatutak ang pinakanta niya, pero hindi malinaw kung nasaan ang kinita para sa show. Tantanan na nga tayo ng singer na ‘yun na ang apelyido, e, katunog ng twirk?
“Text siya nang text ngayon sa sinaktan niyang showbiz personality, sorry siya nang sorry, pero hindi naman siya sinasagot. Sayang lang kuno ang oras para sa kanya.
Kilalang-kilala mo ang sawsawerong male singer na ito, kabugin mo nga siya sa pagkanta ng Spain!

Read more...