JINKEE sinabak sa politika para sirain | Bandera

JINKEE sinabak sa politika para sirain

- October 09, 2012 - 04:08 PM

Pakana kaya ng mga taong galit sa kanila?

Sa lahat ng mga nagpakita ng interes na makilahok sa halalan sa susunod na taon ay kay Jinkee Pacquiao nasentro ang pagpuna ng mas nakararami.

Ikinainis ng mga reporters ang ginawa niyang pagpapaikot sa mga ito nu’ng una siyang tanungin tungkol sa kanyang pagtakbo sa Sarangani, todo-todo pa ang kanyang pag-iling at pagtanggi, kamukat-mukat nila ay nasa opisina na ng Comelec sa kanilang lugar kinabukasan ang misis ni Pacman.

Oo nga naman. Alangan namang kinaumagahan lang nagdesisyon si Jinkee, paano na ang kanyang mga dokumento kung ganu’n, hindi man lang niya naihanda?

At kapag tinatanong siya ngayon kung ano ang mga plano niyang gawin sa Sarangani kung sakaling manalo siya ay wala siyang masabi, as in wala talaga, dahil hindi pa naman daw nagsisimula ang labanan.

Naloka sa kanya ang mga reporters, ibig nga ba namang sabihin ni Jinkee ay pumasok siya sa laban nang wala man lang siyang platapormang naiisip, pumasok ba siya sa giyera nang wala nang baril ay wala pa siyang bala?

Makahulugang sabi sa amin ng isang kababayan natin sa isang pagtitipon, “Pakisabi naman kay Jinkee Pacquiao na hindi laro lang ang politika. Ano ba ang akala niya sa Philippine politics, biru-biruan lang?

“Dapat niyang tanungin ang mga taong nagtulak sa kanya para tumakbo, isang tanong lang ang ibabato niya, kung tunay ba niyang mga kaibigan ang mga taong ‘yun?” nakakunot ang noong reaksiyon ng aming kausap.

Ano nga ang sabi ng matatanda?

Kapag meron ka raw kaaway ay dalawang bagay lang ang dapat mong gawin.

Una, ang pabilihin mo ng sasakyan ang taong ‘yun, kinakain ng kalawang ang bakal kaya para ka nang nakaganti.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikalawa, hayaan mong makilahok sa mundo ng politika ang taong ‘yun, para hindi ka lang nakaganti kundi nakaungos ka pa sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending