Senior libre sa LRT bukas at Linggo

LRT

LRT


May libreng sakay ang mga senior citizen sa Light Rail Transit Line 1 at 2 ngayon (Sabado) at bukas.
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, spokesman ng LRT Authority, buong araw ay libreng makasasakay ang mga senior citizen.
Magsisimula umano ang libreng sakay ng alas-5 ng umaga hanggang sa magsara ang mga istasyon.
Kailangang magpakita ng valid identification card ang mga senior citizen upang mapatunayan ang kanilang edad pagpasok sa mga istasyon.
Bahagi umano ito ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.

Read more...