Tolentino pinaalis sa senatorial slate ng LP

FRANCIS TOLENTINO

FRANCIS TOLENTINO


Ipinatatanggal ng isang lider ng Liberal Party si Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino sa listahan ng senatorial candidate ng administrasyon.
Ayon kay Dinagat Island Rep. Arlene Bag-ao, vice president for women ng LP, hindi dapat kunsintihin ang pagpapasayaw ni Tolentino sa tatlong babae na umani ng batikos sa Laguna.
“We urge the LP leadership to take swift action should the claim that the women were hired by Chair Tolentino be proven. If true, the Liberal Party must do nothing less than removing Chair Tolentino from its Senate slate. Exploitation of women simply has no place in the Daang Matuwid,” ani Bag-ao, chairperson din ng Mamamayang Liberal.
Itinanggi ni Tolentino na siya ang ‘nag-regalo’ ng Playgirls na nag-show sa kaarawan ni Laguna Rep. Benjamin Agarao.
Sinabi ni Tolentino na pinagsuot pa umano niya ng t-shirt ang tatlong nagsayaw.
Pero kahapon kumalat sa Twitter ang litrato ng Playgirls na may suot ng t-shirt ng kanyang kapatid na si Tagaytay Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Read more...