Padalang sexy dancer ni Tolentino pinalagan

FRANCIS TOLENTINO

FRANCIS TOLENTINO

Desperado umano na manalo sa pagkasenador si Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino kaya pati pagpapadala ng mga nagsasayaw na babae ay ginagawa na nito.
Ito ang sinabi ni Buhay Rep. Lito Atienza matapos kumalat ang video sa Twitter kung saan nagsasayaw na parang nakikipagtalik ang isang babae sa ibabaw ng isang lalaking nakahiga sa entablado.
“He has to resort all of these, considering his desperate situation,” ani Atenza nagulat ng mapanood ang video.
Sinabi naman ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., na dapat magpaliwanag si Tolentino kung totoo na siya ang nagpadala ng mga nagsayaw.
“Then let Tolentino explain it. Wala naman linaw na kay Tolentino nga galing yun,” ani Belmonte. “If it is true, it is a very bad taste, bad move kung totoo ah.”
Ang mga nagsasayaw ay ipinadala umano bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo sa public service ni Laguna Rep. Benjamin Aggarao.
Hirit naman ni Gabriela Rep. Luz Ilagan: “Ano ba yan? Inaapi na nga ang mga commuters dadagdgan na naman niya ng exploitation of women!”

Read more...