Bureau of Immigration nag-alok ng pabuya matapos makatakas ang isang Korean national

Cho-Seongdae-11
NAG-ALOK si Immigration commissioner Siegfred Mison ng pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng isang Korean national matapos na makatakas mula sa pasilidad ng BI sa Bicutan noong Martes ng umaga.
Bumuo na rin ng komite si Mison para imbestigahan kung paano nakatakas si Cho Seongdae, at makilala ang mga responsable sa kanyang pagkakapuga.

“We are exploring every possible option to locate Cho at the soonest possible time,” sabi ni Immigration spokesperson Elaine Tan.

Idinagdag ni Tan na humingi na rin ang BI ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para tumulong sa paghahanap kay Cho.

Idinagdag ni Tan na maaaring magbigay ng impormasyon ang publiko hinggil sa kinaroroonan ng Korean national sa pamamagitan ng: “CHO SEONGDAE ” at ipadala sa mga numero na:(0908) 894-6644, (0932) 894-6644 at (0917) 573-3871.

Read more...