Bata pa pero alam na ang prayoridad

HELLO, Manang.

Si Wenie Rose po ito, 13 years old mula sa Catbalogan City.

MANANG, may problema po ako ngayon. Ang dami kasing nanliligaw sa akin ngayon, eh. Paano ba yan, ayaw ko po kasi sa mga ganyang bagay kasi hindi pa ako handa.

Pag-aaral lang muna kasi ang inaatupag ko ngayon at masyado pa kasi akong bata para diyan. Kahit ayoko sa kanila, eh, pilit pa rin ng pilit. Bigyan mo naman ako ng advice, manang.

Salamat po.

Wenie Rose
Hello Wenie Rose ng Catbalogan!

Nakakatuwa ka naman dahil alam mo ang priority mo sa ngayon iha.

Tama lamang na pag-aaral muna ang s’yang dapat na pagkaabalahan mo kesa sa mga nanliligaw sa iyo.

Ang mabuting gawin ay huwag na lamang pansinin ang mga makukulit na manliligaw, at ipakita sa kanila na seryoso ka sa iyong pag-aaral.

You can’t help naman kung may mga humahanga talaga sa iyo pero let them know na hindi ito ang nais mong pagtuuunan ng pansin sa ngayon. Create new friends – girl na friends – study well and ibalanse mo ito sa iyong social life.

Maybe join school clubs and participate in extra-curricular activities. Pwede ka ring maging busy sa volunteer work or find interesting and productive hobbies like arts and crafts, books, sports, etc.

Natutuwa ako Wenie Rose at sana you continue to be strong. May tamang oras ang pakikipagnobyo at yan ay kung fulfilled ka na as an individual. Tamang maghintay.
Payo ng tropa

Bibihira na lang talaga ngayon ang mga katulad mo Wenie Rose na talagang gustong paglaanan ng pansin ang pag-aaral kesa sa pagkirengkeng. Tama yung desisyon mo na mag-focus muna sa pag-aaral dahil iyan ang magbibigay sa iyo ng magandang kinabukasan. Wag kang padadala sa mga pangungulit ng mga nanliligaw, mas mainam kung ipakita sa kanila na seryoso ka sa sinabi mo na gusto mong pagtuunan ng pansin ang iyong edukasyon.

Anak, ang pakikipag-relasyon ay darating sa tamang panahon, at ito ay hindi ngayon o bukas o sa isang linggo o sa isang buwan.

Ito ang panahon para i-enjoy ang pag-aaral na magdudulot ng kabutihan sa iyong pagtanda. Tama si manang, imbes na pagnonobyo ang atupagin, ibaling ang interes sa pagbabasa at ibang gawain na siyang makakapgpadevelop sa iyo bilang isang mahusay at kapaki-pakinabang na indibidwal di lang sa kanyang mga magulang kundi sa kanyang pamayanan.

Mabuhay ang katulad mong kabataan.

-Ellen, ng Batangas City

Wenie,Kung ikaw ay sumusubaybay ng Kalyeserye isa lang ang masasabi ko na dapat mong sabihin sa mga yan, “sa tamang panahon.” Kung makulit pa rin iwasan mo na lang. Magsasawa din sila.
-Kuya Djan

Hi Wenie Rose,

Ang haba ng hair mo ha, daming nanliligaw sa ‘yo, wala naman masama na ligawan ka ng mga guys. Tama naman ang desisyon mo na ‘wag ka munang mag entertain ng mga manliligaw.

Una sa lahat napakabata mo pa talaga, sabi mo nga wala pa sa isip mo ang mga ganyang bagay, mabuti naman kung ganun.

Unahin mo muna ang pag-aaral mabuti, mas magandang nakatapos ka na ng pag-aaral, nakapagtrabaho ng maganda, bago ka pumasok sa pakikipag relasyon.

Bilib din naman ako sa ‘yo kasi sa panahong ngayon sa edad na ganyan, may mga BF na yung ibang kabataan. Kaya enjoy mo lang ang pag-aaral, at mga kaibigan masaya rin naman kasa-kasama ang barkada, enjoy your high school life, at sabi nga high school life ang pinakamasayang parte sa buhay ng mga teenager.

So gudluck sa iyo neng, sana makapagtapos ka ng pag-aaral at pagbutihin mo pa lalo.
–Ate Jenny

Read more...