HAPPY to see Kapamilya young actor Diego Loyzaga na super busy sa kanyang showbiz career nowadays. May teleserye ulit siya sa primetime slot ng ABS-CBN, ang Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Nakasama rin dati si Diego sa cast ng top-rating primetime drama series at nagpasikat sa tambalang Enrique Gil at Liza Soberano na Forevermore ng Dos. Kahit maikli lang ang role niya doon, nakuha naman niya ang atensyon ng viewers.
May nabasa naman kaming comment ng isang concerned netizen tungkol kay Diego. Narito ang bahagi ng kanyang internet post.
“I stopped watching Forevermore because of you, just did not sit well with me that you are not going to get the girl in the end as you look more deserving of her than the character played by Enrique Gil with a bleached hair and lame character.
“Now, for the life of me, they decided to pit you against a famous love team so I again stopped watching Pangako Sa ‘Yo. I am looking forward to seeing you in your first drama series and maybe this would be the first time that I would watch a series from beginning to end.”
In fairness, mukhang dinadahan-dahan lang ng mga namamahala sa career ni Diego ang mga projects na ibinibigay sa kanya. At isa sa strategy na nakikita namin ay ‘yung paglagay sa kanya sa mga top rating teleseryes ng Dos. At tingin namin, soon he will have his own teleserye with a new loveteam na ipi-pair sa kanya.
Pero sa episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, ang Kapamilya youngstar na si Sofia Andres ang makakatambal ni Diego.
Gagampanan nina Diego at Sofia ang dating childhood sweethearts na sina Prima at Teddy. Aalukin ng kasal ni Teddy si Prima pero tatanggi siya in favor of her studies. Dahil dito pupunta sa Amerika si Teddy at doob magpapakasal sa iba.
Patutunayan ng dating magka-sintahan na ang first love ay maaaring maging last love kahit na lumipas pa ang 50 taon sa naiibang kwentong ito ng pag-ibig bukas sa MMK.
Tampok rin sa episode na ito sina Marina Benipayo, Elisse Joson, Emmanuelle Vera, Carla Humphries at Claire Ruiz, sa direksyon ni Elfren Vibar at sa panulat ni Joan Habana.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
Kamakailan din ay inilunsad si Diego Loyzaga bilang endorser ng Bench Fix Styling Tools kasama si John Prats.
Pinasaya ni Diego ang kanyang fans during the said launch. Mas nadagdagan ang aura ni Diego ngayon as a star dahil na rin sa kanyang latest endorsement, huh!
Anyway, bukod sa nadagdagan na ang aura ni Diego bilang isang artista, tumaas na rin ang level of self confidence niya ngayon. Makikita ito on the way he answers the questions during the interview. Mas relax at may sense na ang sagot niya ngayon sa mga tanong.
“Shy type ako dati, saka baguhan pa lang. Actually, it’s a mix. Naturuan ako kung paano…just to be myself more, to be more lively,” pahayag ni Diego.
When asked kung kumusta sila ng ama niya na si Cesar Montano, hindi raw sila regular na nag-uusap ni Cesar ngayon. Pereho raw kasi silang busy kaya halos wala na silang komunikasyon. Pero tiyak niya na napapanood siya ng ama sa kanyang mga proyekto.
It’s a good thing na nanatili na rin sa Pilipinas ang kanyang ina na si Teresa Loyzaga. Ngayon daw ay naghahanap sila ng bagong bahay ng Mommy Teresa niya para magkasama-sama na sila ng kanyang brother, “One house, happy family, us three,” ngiti pa ni Diego.