Bimby payag nang magkadyowa si Kris, pero…

KRIS AQUINO AT BIMBY

KRIS AQUINO AT BIMBY

Nag-usap nang masinsinan ang mag-inang Kris Aquino at Bimby matapos ang kasal ng yaya ng bagets na si Gerbel. Ito’y matapos ngang maging emo-syonal ni Bimby habang ikinakasal ang kanyang yaya.

Kuwento ni Kris, nagkaroon sila nang kasunduan ng kanyang anak pagdating sa kanyang lovelife.

“Bimb said that if I’ll have a boyfriend he’ll be sad for 3 months but he’ll also be testing the guy for 1 year to make sure he’s good. If we break up & he was bad to me then he’ll be mad at him for 1 year. But if we end up getting married, Bimb said for as long as the guy’s nice, he’ll just test me for 8 years to make sure we stay married,” ayon sa post ni Kris sa Instagram.

Sa ngayon, single pa rin si Kris matapos ang naunsiyami nilang relasyon ni Mayor Herbert Bautista.

Read more...