MATIYAGANG naghihintay si Coleen Garcia sa boyfriend niyang si Billy Crawford sa taping ng Your Face Sounds Familiar. No, hindi naman bantay-sarado si Billy, naka-schedule talaga silang magkita that time. Kasama ni Coleen na naghihintay ang kanyang ina. Kaya right after the show ay nagmamadali nang umalis si Billy kasama si Coleen.
Tama si Billy when he said sa presscon ng bago at pangatlong show niya sa ABS-CBN na Celebrity Playtime that they really find time na magkita ni Coleen despite their busy schedules.
Either si Billy ang pumupunta sa taping ng teleserye ni Coleen kapag tapos na siya sa It’s Showtime at iba pang commitments, or vice versa. Sa true lang, ‘di talaga applicable sa kanila ang dilemma ng ibang artista na ‘di keri pagsabayin ang lovelife and career.
Tuluy-tuloy ang pagdating ng blessings kay Billy dahil winner ang unang episode ng Celebrity Playtime na umani ng national TV rating na 28.7%, na halos 10 puntos na lamang sa kalaban na programa na 24 Oras Weekend (19.9%).