JM inireklamo kaya biglang tsinugi sa MMFF

JM DE GUZMAN

JM DE GUZMAN

KUMALAT ang chikang kaya raw natsugi si JM de Guzman sa 2015 Metro Manila Film Festival entry ni Jennylyn Mercado ay dahil diumano sa mga reklamo ng aktres sa working attitude ng Kapamilya leading man.

Kaya sa presscon ng latest movie ni Jennylyn na “The PreNup” under Regal Entertainment opposite Sam Milby, isa ito sa mga nilinaw ni Jennylyn. Anang Kapuso actress, wala siyang karapatang magsalita tungkol sa isyu dahil artista lang din siya sa nasabing pelikula.

Basta ang masasabi lang niya, walang harassment o pananakot na nangyari sa shooting ng “Walang Forever” kaya natanggal si JM.

“Hindi naman ako natakot. Hindi (ako nagulat sa kanya). Basta maayos kami. Ayoko nang i-explain pa kasi wala namang problema. Wala namang intriga,” ani Jen.

Sa mga naglabasang ulat, bigla na lang daw tsinugi si JM sa nasabing MMFF entry ay dahil bumalik na naman daw ito sa dating bisyo at palaging nagpapasaway kaya nagrereklamo ang production staff.

Pinalitan na ni Jericho Rosales si JM sa “Walang Forever”.

Ayon pa kay Jennylyn, nanghihinayang siya na hindi na niya makakasama si JM sa nabanggit na MMFF entry, “Siyempre nalulungkot ako dahil kahit paano kababata ko yun. Kahit paano nagsu-shoot na rin kami for a day. Pero I think wala naman ako sa position para magsalita kung ano ba ang nangyari, kasi kahit ako hindi ko rin alam.”

Dagdag pa ni Jen, matagal na rin naman silang magkakilala ni JM, “Pareho kasi kami kay Tita Becky Aguila (talent manager) dati nu’ng mga bata pa kami. Tapos nu’ng nagkita kami sa shooting, napag-u-sapan lang namin…Botique pa rin yung tawag ko sa kanya. Yun yung nickname niya nu’ng bata siya.

“Naaalala mo…’Uy, kumusta si Mommy Lydia (nanay ni Jen)?’ Mga ganu’n lang.”
Looking forward naman naman si Jennylyn sa unang pagtatambal nila ni Jericho sa filmfest, “Nag-shoot na kami ng teaser, masaya. Iba rin si Echo. Iba rin yung ng feeling na nakakatrabaho mo yung hindi mo palaging nakikita. Minsan ako, napapanood ko lang sila, tapos makakatrabaho ko na.”

Read more...