Lihim ni Maine iIbinuking ni Wally

MAINE MENDOZA AT WALLY BAYOLA

MAINE MENDOZA AT WALLY BAYOLA

PINATUNAYAN ni Wally Bayola kung gaano kasimple at ka-humble si Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa kabila ng kasikatang tinatamasa nila nga-yon ni Alden Richards.

Nakorner namin si Wally at ng ilang miyembro ng entertainment press sa Zirkoh Morato nu’ng isang gabi habang idinaraos ang joint birthday party ng ating colleagues and friends na sina Jun Nardo at Dondon Sermino, at dito nga niya naikuwento ang ilang eksena sa kalyeserye ng Eat Bulaga kapag off cam.

Ayon kay Wally, wala pa ring kaarte-arte si Yaya, kung ano siya noong nagsisimula pa lang, ganu’n pa rin ang dalaga hanggang ngayon.

“Tahimik pa rin siya off cam, walang PA yan, wala ring alalay. Siya ang may dala ng bag niya, ng mga gamit niya. Siya lang din ang kumukuha ng pagkain niya. Parang hindi pa niya alam na sikat na sikat na siya,” sey pa ni Wally.

Ibinuking din ng TV host-comedian ang ilang mga eksena nila ni Maine kapag nagkikita na sila sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga, “Nu’ng minsan nagkukuwentuhan kami, bago magkalyeserye, 6 a.m. na raw siya na-pack up (shooting ng pelikula at TV commercial). Hindi pa kasi nagsi-sink in sa kanya yung bigat ng trabaho kaya pagod na pagod daw siya. Sabi niya, parang hindi raw siya makatayo nang matagal.

“Sabi ko sa kanya, ‘okay lang ‘yan, basta tapikin mo lang ako kung may nararamdaman ka ng kakaiba.

Kumain ka kasi nang maayos…’ hindi rin kasi palakain yung batang ‘yun. Ba-lak ko kapag medyo lumala yung kundisyon niya, kunwari uutusan ko muna siya para makapagpahinga siya kahit paano. Eto na, nu’ng nakita na niya si Alden sa monitor, ayun biglang sumigla. Sumayaw pa nang sumayaw. Biniro ko nga, baka may something na talaga sila ni Alden. Sabi naman niya, ‘E, siyempre kuya, kailangan di makita sa camera, di ba?’ Hmmm, okey sige. Ikaw na!’”

Natanong din si Wally kung gusto ba niyang magkatuluyan sina Alden at Yaya Dub? “Oo naman! Binata naman si Alden, dalaga si Maine, so walang masama kung maging sila sa totoong buhay. Kung iisipin natin, sa tatlong buwan na araw-araw ganu’n ang ginagawa nilang pagpapakilig sa mga tao, siguro may chance talaga na ma-deve-lop sila. Pero wala pang palitan ng number, e. Hindi pa talaga sila nabibigyan ng pagkakataon na magkakilala nang husto.”

Hirit pa ni Wally o mas kilala ngayon bilang si Lola Nidora, “Tinatanong ko nga si Maine, ‘Okay ka lang ba?’ Pero ayaw naman niya sigurong magsalita dahil hindi naman niya alam du’n sa guy, siyempre if ever, itinatago lang niya yung nararamdaman niya. Baka kasi mamaya…lumabas, siya lang pala yung may gusto. Hindi ko lang alam, kasi nahahalata namin sa pag-arte-arte niya, parang ‘Uy, Neng hindi ka na umaarte…!’

“Kasi minsan, nagkatawanan din kami niyan, ‘yung sagutan nila sa fan sign ni Alden, may naisulat si Maine na ‘ipaalam mo ako sa tatay ko.’ Sabi ko sa kanya, ‘Uy, wala kang tatay dito, lola mo ‘ko!’ Tapos nagulat siya, idinagdag niya agad du’n sa white board yung Dodong. Mabilis din ang pik-ap!”

Kahapon, nag-celebrate naman ng kanilang 11th weeksary ang AlDub sa kalyeserye ng Eat Bulaga kaya hindi na kami nagtaka kung napanatili pa rin nila ang pagiging number one trending topic sa Twitter.

Pinatikim ni Yaya Dub si Alden ng ginawa niyang cupcakes, talagang ipinadala pa niya ito sa studio bilang regalo niya sa binata. Hindi naman nagpahuli si Alden at nagpadala rin ng flowers at isang sulat na may nakalagay na “For your eyes only” kay Yaya Dub. Muling kinilig ang manonood nang mag-duet nang live ang dalawa gamit ang totoo nilang mga boses.

Sa huling bahagi ng episode kahapon, hiniling ni Lola Nidora kina Joey de Leon, Tito Sotto at Allan K kung maaaring dumalaw sila sa Broadway para makilala ni Yaya Dub ang mga Dabarkads ni Alden na sinang-ayunan naman nina Joey. Kaya sa Sabado, muling magkikita ang AlDub, but this time walang nakakaalam kung ano ang mangyayari. Mabura kaya nila uli ang record-breaking na 26.5 million tweets last Saturday? – EAS/Djan Magbanua

Read more...