Trust at approval rating ni VP Binay sumasadsad-Pulse Asia

Jejomar C. Binay
Si Pangulong Aquino ang may pinakamataas na approval at trust rating sa limang pinakamataas na opisyal ng bansa samantalang bumagsak naman ang kay Vice President Jejomar Binay.
Sa survey ng Pulse Asia noong Setyembre, nakakuha si Aquino ng 54 porsyentong approval rating, 16 porsyentong disapproval rating at 30 porsyento ang undecided.
Halos hindi ito lumayo sa survey noong Hunyo kung saan nakakuha ang Pangulo ng 54 porsyentong approval rating, 12 porsyentong disapproval at 34 porsyentong undecided.
Bumaba naman approval rating ni Binay sa 43 porsyento mula sa 58, at tumaas ang kanyang disapproval rating sa 26 mula sa 18. Ang undecided ay nanatili sa 31 porsyento.
Si Senate President Franklin Drilon ay may 50 porsyentong approval, 13 disapproval at 36 undecided.
Si Speaker Feliciano Belmonte Jr., ay nakakuha ng 32 porsyentong approval, 18 porsyentong disapproval at 47 porsyentong undecided samantalang si Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno ay nakakuha ng 29 porsyentong approval, 19 disapproval at 46 undecided.
Ang trust rating ni Aquino ay naitala sa 49 porsyento, 16 porsyento ang distrust rating at 34 ang undecided. Noong Hunyo ang kanyang rating ay 50 big trust, 13 small/no trust at 36 undecided.
Si Binay naman ay may 39 porsyentong big trust (mula sa 57 porsyento), 27 small/no trust (mula sa 19).
Si Drilon ay mayroon namang 47 big trust, 14 small/no trust at 38 undecided.
Si Belmonte ay 29 big trust, 19 distrust at 49 undecided samantalang si Sereno ay 26 trust, 20 distrust at 49 undecided.
Ang survey ay ginawa mula Setyembre 8-14 at kinuha ang opinyon ng 2,400 respondents na edad 18 pataas.

Read more...