Ang BF na bang seaman ang makakatuluyan? (2)

Sulat mula kay Aira ng San Vicente, Likoan, Metro Cebu
Problema:
1. Sa ngayon ay may boyfriend ako at magto-two years na ang relasyon namin, nasa barko siya sa ngayon dahil siya ay isang seman. At nitong huling uwi nya ay nagpa-alam na siya sa mga magulang ko na sa susunod daw na taong 2016 pag uwi nya ay magpapakasal na kami.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo u-pang itanong kung matutuloy ba ang kasal naming ito, kasi ayon sa kuwento rin niya o ng boyfriend ko parang ayaw pa siyang pag-asawahin sa kanila kasi siya ang breadwinner at nagpapa-aral ng mga kapatid nya. Pero sabi nya naman sa akin nagsabi na din siya sa kanila at kahit daw tumutol pa ang mga magulang nya na mag-asawa na siya, wala naman daw silang magagawa kasi 31 na ang boyfriend ko sa darating na December 28, kaya gustong-gusto nya ng mag-asawa. Compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan? May 7, 1991 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Aira ng Likoan, Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ay nagsasabing susuwertehin ka sa pag-aasawa, higit lalo kung ang lalaking mapapangasawa mo ay isang Capricorn, tulad nga ng boyfriedn mo ay tiyak ang magaganap – siguradong magtatagumpay ka, at sa nasabi ng pag-aasawa, habang buhay kang uunlad at magiging maligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing sadyang tugma kayo ng boyfriend mo na may birth date namang 28, kung saan, ang pagsasama ng numerong “7 at 1” (2+8=10/ 1+0=1) ay sadyang nagiging matagumpay at habang buhay na nagiging maligaya.
Luscher Color Test:
Sa araw ng kasal sadyang mapalad naman at magbibigay ng mas marami pang suwerte ang pagamit ng kulay na berde, pula o kaya’y dilaw. Ang nasabing mga kulay ang siya na ring dapat nin-yong gamitin sa loob at labas ng itatayo nyong bahay, upang magpatuloy ang suwerte at magandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Aira ayon sa iyong kapalaran wala kang dapat na ipagalala, dahil tulad ng nasabi na, kahit na kontra ang mga magulang ng boyfriend mo sa binabalak nyong pagpapakasal sa 2016, walang alinlangang sigurado namang matutuloy ito. At ang pagpapakasal at pag-aasawang nabanggit ang siya na ring naring magiging simula upang tuloy-tuloy ng mabuo ang isang mligaya at pang habang buhay na ngang pagpapamilya.

Read more...