Bahay ni Alden sa Laguna sinugod ng AlDub fans; mga guwardiya naghigpit

yaya dub

Sa tinitirhang executive village ni Alden Richards sa Sta. Rosa, Laguna ay mapapansin na ang pulutong ng mga kababayan nating gustong makapasok para lang makita ang kanilang idolo.

Natural lang na mangyari ‘yun, sa kasikatang tinatamasa ngayon ng tinaguriang Pambansang Bae ay talagang gagawa ng paraan ang mga humahanga sa kanya para makita siya nang personal, hindi na kasi sila makapasok sa punumpunong studio ng Eat Bulaga.

Pero may kahigpitan ang subdivision, lahat pala ng pumapasok du’n ay itinatawag pa muna ng mga guwardiya sa homeowners, bahagi ‘yun ng ibinibigay nilang seguridad sa mga tagaroon.

Ibang klase na ang i-binibigay na security ngayon ng GMA 7 kay Alden. Sangkaterbang guwardiya na ang kailangan niyang kasama sa mga mall shows niya.

Kuwento ng isang kaibigan namin, “Nagpunta sa mall show ni Alden ang mga pinsan ko. Pero hindi na sila nakalapit kay Alden dahil sa bukana pa lang, pahirapan na ang pagpasok.

“Nanood na lang daw sila sa isang malaking video wall sa may gilid, nakikitili na lang sila kahit malayuan. “Ganu’n na pala katindi ang kasikatan ngayon ni Adlen Richards dahil sa loveteam nila ni Yaya Dub!” kuwento nito.

Mismo!

Read more...