Frame-up sa isang banyaga

NAGPAHAYAG na si Sen. Alan Peter Cayetano ng intensiyon na tatakbo siya ng pagka-bise presidente.

Ginawa niyang Davao City ang venue ng kanyang pagpahayag dahil ibig niyang ipabatid kay City Mayor Rody Duterte na gusto niya ito na maging kanyang presidential candidate.

Bukod kay Cayetano ang isa pang gustong tumakbo bilang Vice President at maging ka-tandem ni Duterte ay si Sen. Bongbong Marcos.

Wala pang linaw kung tatakbo si Duterte. Sinasabi niya na wala siyang pera upang itustos ang kam-
panya.

Hindi ba nakakatawa?

Maraming nagpipresinta na maging vice presidential candidate ni Duterte na ayaw namang tumakbo, samantalang sina dating Interior Secretary Mar Roxas at Vice President Jojo Binay ay walang nagpipresinta.

Lalong-lalo na kay Binay. Walang gustong ma-ging ka-tandem niya.

May ibang gustong sumali sa kanyang ticket bilang senatorial candidate ay umatras na raw.

Marami akong nakausap na abogado na matatalino ang nakapagsabi sa akin na malaking tsansa na ma-disqualify si Sen. Grace Poe kapag siya’y nag-file ng kanyang certificate of candidacy.

Si Poe ang frontrunner sa mga surveys ng mga “presidentiables.”

Isang nakita nilang malaking pagkakamali ni Poe ay ang diumano’y paggamit niya ng US passport patungong America after she renounced her US citizenship.

Meron na raw precedence na kaso ng mayor sa isang bayan ng Lanao del Norte na diniskwalipika ng Supreme Court kamakailan lang dahil sa paggamit niya ng US passport matapos siyang manumpa bilang pagbalik niya sa pagiging Filipino citizen.

Kapag ang ruling ng Korte Suprema ay lumabas bago mag-eleksiyon, ang dalawang matitirang kandidato ay sina Roxas at Binay.

Pero kapag nagbago ng isip si Duterte at tumakbo sa pagka-pangulo, ang maglalaban ay sina Roxas at Duterte.

Alam na natin ang magiging kahihinatnan sa Roxas vs Duterte.

Maraming tao na naghihintay na tumakbo si Duterte kahit na ilang ulit na niyang sinasabi wala siyang balak.

Nanghihinayang sila kay Duterte dahil siya lang daw ang pag-asa ng bansa na maging matahimik at maunlad.
Ang Davao City ay isang halimbawa ng isang lugar na walang problema sa krimen at droga.

Puwede kang maglakad sa kalye ng Davao City sa disoras ng gabi o madaling araw na walang takot na ikaw ay maging biktima ng kriminal.

Napakaraming tao na nakausap ko na nagsasabi na baka magbago ang pamamalakad sa gobiyerno kapag si Duterte ang naging Presidente.

Sana naman ay huwag biguin ni Duterte ang taumbayan.

Isang Norwegian, Torgeir Hoverstad, 63 anyos, isang photographer at camera man na gumagawa ng documentary sa magagandang tanawin ng bansa na pinagbibili niya sa Europa, ang nakakulong ngayon sa Olongapo City Jail ng isa’t kalahating taon na.

Lahat ng mga kasong isinampa sa kanya—child abuse, child pornography production at human trafficking—ay gawa-gawa lamang ng isang sindikato.

Ang sindikato ay nambibiktima sa mga banyaga sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong gawa-gawa lang upang makipag-ayos ang nasasakdal at bigyan sila ng malaking halaga.
Isang 15 anyos na batang babae (na ngayon ay 17 na), na kinunan daw ni Hoverstad ng video ng hubo’t hubad, ay umamin na binayaran siya ng sindikato upang tumestigo laban sa foreigner.
Isinalaysay ng batang babae na ang sindikato ang kumuha ng video sa kanya at iprinisenta sa korte sa Balanga, Bataan at Olongapo City.

Dalawang korte, isang kaso.

Sinabi niya sa inyong lingkod na siya’y tinuruan lang ng sindikato kung anong sasabihin sa korte.

Naawa ang bata kay Hoverstad dahil sa korte lang niya ito unang nakita kaya’t nabagabag ang kanyang konsensiya.

Binawi niya ang lahat ng sinabi niya tungkol kay Hoverstad sa korte mismo.

Pero kahit na gumawa na siya ng retraction, ayaw pa ring idismis ni Olongapo City Regional Trial Court Judge Jose Bautista Jr. ang kaso laban sa kawawang banyaga.

Nagalit naman ang go-vernment prosecutor na si Ria Nina Sususco sa bata dahil sa kanyang retraction.

“Hindi mo ako kilala, bata ka. Baka mapasama ka sa akin sa ginawa mo,” ani Sususco raw sa bata.

Ito bang sina judge at piskal ay kasama sa sindikato?

Read more...