NOONG simula ay sobra pang nag-eenjoy ang mga tao sa pagsulpot ng AlDub loveteam na ito sa noontime show na Eat Bulaga.
Even my neighbors and family members became instant fans of Alden Richards and Maine Mendoza or Yaya Dub. They found the tandem really cute and almost perfect para pang-destress. Cute pa kasi noong una ang mga pabebe wave nila at yung pangiwi-ngiwi ng babae.
Pero di kalaunan, mukhang nagsasawa na ang mga dating tagatangkilik nito – marami na sa kanila ang nabubuwisit sa style ng dalawa. Parang wala na raw ka-sing kawawaan, paulit-ulit na lang ang mga drama nila.
Oks na yung strategy ng show na – stretch ang meet-up at pag-uusap ng magka-loveteam na ito – hindi naman daw pala pipi itong si Yaya Dub.
Kaya lang, parang wala naman daw bagong naipapakita ang dalawa kungdi ang magpa-cute at patuloy na pagngiwi-ngiwi nitong si Yaya Dub na ikinaiirita na ng ilang viewers.
“Nakakasawa na silang panoorin. Nakakapagod na silang sundan kasi alam mong binobola lang kayo ng show. Yung pakiyemeng gusto na raw ni Yaya Dub na maging BF si Alden at ito namang si Alden ay kiyemeng parang nai-in love na rin daw sa yayang ito.
“Noong una may konting kilig pero habang tumatagal nagiging corny na. Parang nawawala na ang entertainment value sa kanila. Kaya tama naman si Lea Salonga sa sinabi niyang nabubuhay tayo sa kababawan.
“Kaya dapat isipin din ng production na kung merong natutuwa sa segment nilang ito, meron na ring naiirita as days go by. Kasi nga fad lang – iyan ang tipo ng palabas na naka-timing ng isang fad na nakatulong sa kanilang ra-tings.
“Pero how sure are you na totoo nga ang figures na iyon sa Twitter, na naka-more than 25 million tweets sila? Na-research kong meron palang paraan para makakuha ng maraming tweets na ginagamit na even sa mga adverti-sing campaigns ng mga products – magbabayad lang sila ng certain amount, US$1,500 yata ay meron ng certain number of millions of free tweets.
Yung ganoon. I am not saying na ganoon ang ginawa ng Eat Bulaga for this AlDub thing pero may ganoon pala sa internet,” sabi ng isang dating AlDub fanatic na naiinis na sa style ng magka-loveteam.
Meron pa rin namang patay na patay pa rin talaga sa loveteam na ito – yung mga walang magawa sa buhay si-guro. Yung gusto lang magsayang ng oras, they find kasi the segment cute and worthy of their idle time.
Pero sa mga taong totoong busy, kebs nila, di ba? Yung iba naman ay hindi sa AlDub natutuwa kungdi kina Wally Bayola, Jose Manalo, Allan K, Paolo Ballesteros, Joey de Leon, Vic Sotto.
Kasi nga, matagal na silang suki ng EB kaya nakatutok sila sa show at itong segment ay add-on lang para lalo silang masiyahan.
Pero itong AlDub per se starts to wane na. Parang hindi na kasing-init ng dati. Tsaka ang mga bastos nilang fans ay walang pakundangan sa pagbanat sa mga hindi nila kaalyado.
Ha-hahaha! Wala silang respeto sa mga taong nag-kokomento ng hindi pabor sa mga idolo nila. Kung makapagsalita sila akala mo mga perfect.
Kung dati ay medyo naiilang kaming patulan sila at ihayag ang pagkairita namin sa kanila, ngayon ay keber. Mam-bash sila nang mam-bash hanggang gusto nila at wala kaming paki.
Hindi naman namin sila binabasa in the first place. Pag tinira kami sa FB, hindi namin pinapansin. Kasi nga mga bastos. Kaysa naman masira ang araw namin, deadma na lang kami.
Ginagawa na lang namin ang pagngiwi nitong si Yaya Dub para iganti sa mga kabastusan at kadalahiraan nila. “Wala bang alam ang Maine Mendoza na iyan kungdi ang ngumuwi lang.
Para siyang laruan na di-susi. Nakakaawang babae, sikat na nga pero parang walang talent. Hintayin na lang natin sa future projects niya at baka meron namang ipakita. Nakakarindi na kasi ang mga pagngiwi-ngiwi niya na halatang pa-cute lang at papansin.
“Naku, sinong naniniwalang merong namumuong something sa dalawang iyan, all for the sake of their team-up siyempre gagawin nila iyan dahil sayang ang endorsements pag hindi nila ginawa.
Sabi nga nila, ‘strike while the iron is hot’, tama?” sabi naman ng isang nagtatrabaho sa bangkong kaibigan namin. No comment. Ganoon lang naman sa negosyong ito. habang mainit ay samantalahin ang pagkakataon.
Sa tinagal-tagal ni Alden sa showbiz, ngayon lang talaga siya nakatsamba kaya dapat lang na i-maximize niya ang chances niya, ‘no! Dahil tiyak na mawawala rin siya sa limelight kapag pinagsawaan na sila ng mga tao, lalo na kung paulit-ulit lang ang ginagawa nilang pagpapa-cute.
At isa pang nalaman namin, marami na rin palang viewers ang nagsasawa sa kanya, overexpose na raw ang aktor sa TV dahil kahit cooking show ng GMA 7 ay guest siya.
Konting utot lang nila ni Yaya Dub ay item agad sa 24 Oras. Kaya madali nga silang pagsawaan dahil nauubos na ang mystery sa kanila. Well…