Karylle sa Bashers: Walang masama sa paghahalikan nila ni Vice Ganda

vice ganda

DEDMA lang si Karylle sa mga batikos at pang-ookray na natanggap nila ni Vice Ganda matapos silang mag-lips-to-lips on national television.

Maraming netizens at televiewers ang nandiri at na-turn off nang halikan ni Vice sa lips ng dalawang beses si Karylle sa isang production number nila sa 6th anniversary kick-off ng It’s Showtime noong Sabado na ginanap sa Araneta Coliseum.

Ayon kay Karylle, wala siyang nakikitang masama sa ginawa nila ni Vice dahil bahagi raw ito ng kanilang production number na ang tema ay isang live music video.

Hindi rin daw totoo na galit na galit ang asawa niyang si Yael Yuzon, ang bokalista ng bandang Sponge Cola, sa ginawa ni Vice.

“Actually palagi kong sinasabi sa kanya, kung ako naging ikaw, kung nagkabaligtad kami ng posisyon, I wouldn’t be as understanding of him kung isa siyang actor.

“Kasi siya lumaki siya na ang kuya niya nasa theater, so ‘yun ang mindset niya. Kung umarte siya sobrang magseselos ako, pero siya, sobra niyang naiintindihan ang acting,” pahayag ni Karylle sa isang panayam.

Bago pa ang pagsasalita ni Karylle, nauna nang nagbigay ng pahayag ang mister niyang si Yael tungkol dito. Sinagot pa nga niya ang ilang followers niya sa Twitter na nagtanong kung hindi ba siya na-offend sa paghalik ni Vice sa misis niya.

Sey ni Yael, wala siyang sasabihing hindi maganda tungkol sa nangyari at hindi rin daw kailangang magpaalam ni Karylle at ni Vice sa kanya sa mga plano nilang gawin sa kanilang trabaho.

Chika naman ni Karylle, ang pagiging “feminist” ni Yael ang isa sa mga nakatutuwang qualities ng kanyang mister, “Yael is the kind of guy na pinapagalitan niya ako dahil hindi ako marunong mag-drive and, as a feminist, he’s saying that I need to be independent.

Ayaw niya na backwards na mindset. Gusto niya you are independent.” Dagdag pang pahayag ni Karylle, “First time na nangyari ‘yon (kissing scene) it was ‘Sine Mo ‘To’ parang hindi yata gets ng iba na it’s part of ‘Sine Mo ‘To’ tapos siyempre kapag Lenten season may mga drama nagiging love team din kami doon so parang lumakas ng lumakas ‘yung team up.”

Read more...