Payo kay Rocco sa kissing scene nila ni Heart

rocco nacino

NANINIWALA si Lovi Poe na trabaho lang at walang personalan ang loveteam ng kanyang boyfriend na si Rocco Nacino at ng bestfriend niyang si Heart Evangelista.

Walang insecurity at walang nararamdamang selos si Lovi kapag napapanood niya ang mga intimate scenes ng dalawa sa kanilang GMA Telebabad series na Beautiful Strangers with Boyet de Leon, Dina Bonnevie and Benjamin Alves.

Kung minsan nga raw ay siya pa ang nagsisilbing cheerleader nina Rocco at Heart kapag may gagawin silang maiinit na eksena. “Kapag minsan, sinasabihan ko siya (Rocco) ng, ‘O, galingan mo na ‘yan, ha…enjoy it!’” ang tukso pa raw ni Lovi sa kanyang dyowa at BFF.

Samantala, narito ang kailangan n’yong tutukan ngayong gabi sa pagpapatuloy ng Beautiful Strangers: napanood nina Alejandra ang interview ni Joyce. Maiinis si Alejandra lalo na nang malaman niyang umuurong na ang mga supporters sa kanyang kandidatura dahil sa eskandalong kinasangkutan.

Muling gagawa ng paraan si Alejandra para makaganti kay Joyce. Sa labas ng bahay ay may mga batang nanunukso kay Joyce na isang baliw. Pagsisisigawan niya ang mga ito at ipagtatanggol siya ni Imelda.

Magagalit na itataboy ni Joyce ang mga bata pero patuloy ang panunuya ng mga ito kay Joyce. Lingid sa kaalaman niya ay kinukuhanan na pala siya ng video ni Rigor.

Makakarating kay Alejandra ang video ni Joyce na nagwawala. Plano niya itong gawing viral para sirain pa si Joyce. Pero mahuhuli sila ni Lawrence bago pa man nila gawin ang plano.

Dahil doon ay mas paniniwalaan ni Lawrence si Joyce. He walks out on Alejandra. Papakiusapan ni Joyce ang kanyang psychiatrist para ma-ging testigo sa tunay niyang kondisyon, pero tatanggi ito.

Lalong babagsak ang pag-asa ni Joyce. Nagpunta naman si Ronaldo sa ospital para sunduin si Kristine. Magkukrus ang landas nila ni Joyce na palabas ng ospital. Susu-gurin at sasakalin ni Joyce si Ronaldo sa galit niya dito.

Manlalaban si Ronaldo sa pagsugod ni Joyce sa kanya. Ito naman ang aabutan nina Kristine at Lourdes. Pipigilan nila si Joyce. Dahil dito ay di sinasadyang maitutulak ni Joyce si Lourdes at babagsak.

Aalis si Joyce sa ospital at tatakas.  Hahabulin ng mga gwardiya si Joyce.

Read more...