Nadine, James sanay na sanay nang maghalikan

james reid

Sanay na sa mga kissing scene ang magka-loveteam na Nadine Lustre at James Reid.

Isa sa mga highest trending episode ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na On The Wings Of Love ang halikan ng JaDine, kaya abot-langit ang pasasalamat ng magka-loveteam sa lahat ng nagpupuyat para mapanood ang OTWOF.

“Hindi ko nai-imagine, I just want to make everyone happy ganon lang but never kong inimagine na magtre-trend every day. I’m just really, really, thankful sa mga manonood at sa supporters, sa mga OTWOListas,” ani Nadine.

Nang matanong nga sa isang interview ang dalaga kung may ilangan pa ba sila ni James kapag meron silang kissing scene, ang sagot ni Nadine, “We’re kind of used to it na kasi, so it’s not new to us.”

Ano kaya ang sikreto ng JaDine, bakit click na click ang tandem nila sa viewers? “I don’t know. If you ask James the same question sasabihin niya ‘I don’t know.’ I guess it just works.”

Sa hiwalay na panayam kay James kamakailan, sinabi nitong talagang pinanonood nila ni Nadine ang kanilang kissing scenes sa serye para kung may gusto silang baguhin o i-develop ay mapag-usapan nila.

“We watch it. We don’t want each kissing scene to be the same,” anang binata. Nauna rito, muling nilinaw ni James na wala pa ring namamagitang something serious sa pagitan nila ni Nadine, pero inamin niyang mas lumalim pa ang kanilang friendship.

“In real life, me and Nadine are really just friends. We get closer every day but we are still just friends,” sabi pa ni James.

Read more...