MANANG,
I am Ces from Iloilo. Fifty one months na po kami ng BF ko. Hindi kami nagsasama at alam ko rin po na hindi naman siya nambababae. Lagi lang kaming nag-aaway dahil sa kanyang pagtambay. Sabi niya pati daw pagtatambay niya pinakikialaman ko.
Twenty years old po ako at 22 naman siya.
Madalang lang naman ang tambay, ngunit nagagalit po ako evey time na tumatambay siya. Ano po ba ang problema sa akin?
Thank you po ang
God bless,
Ces
Ces ng Iloilo, kaloka at buwan ang bilang mo sa relationship n’yo ni BF, 51 months!
Ngayon lang ako naka-encounter n’yan ha, unique.
Anyway, nabanggit mo na madalas kayong nag-aaway ng BF mo at pakiramdam mo ay ikaw ang may problema? Tama ba?
Hindi malinaw ang ibinigay mo na rason ng inyong pag-aaway kaya hindi ko tiyak ang pagbabasehan ko ng payo sa iyo, my dear, pero it’s a good sign na mayroon kang self-reflection.
If madalas kang nagagalit at sa tingin mo ay hindi naman ganoon kalalim ang pinag-uugatan ng galit mo, then maybe ask yourself why.
Maybe may mga sensitivities ka at mga issues na kailangan mong sagutin sa sarili mo. Maaring nagmamanifest ang galit mo sa kapareha dahil may frustrations ka or maybe some past issues.
It’s best to have a serious talk with yourself. Kung mahal mo ang BF mo, hinay-hinay sa pang-aaway at baka mawala siya sa iyo. Always remember love begets love, same goes with respect.
Payo ng tropa
Ang babaw naman ng dahilan mo kung bakit nang-aaway ka ng BF dahil lang sa pagtambay niya. Ikaw na rin ang nagsabi na minsan lang naman siyang tumambay.
Naku, magandang tanungin mo nga ang sarili mo na baka nga ikaw ang may problema. I-resolve na ito nang maaaga pa dahil baka dumating ang time na manawa siya sa iyo at makipaghiwalay na.
– Angel, Makati City
Ces,
May sariling buhay din naman ang BF mo wala naman akong makitang masama sa pagtambay-tambay niya, siguro naman mga friends din niya ang kasama niyang tumambay, as long hindi naman lagi ang pagtambay niya.
Try mo rin tumambay kahit isang beses na kasama ang BF mo. Mas magandang gawin n’yo ay magkausap kayo ng one-one ng BF mo para ma resolbahan agad kung ano ang problema. O baka naman, girl, wala talagang problema, di ba? Okie ba?
Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.