Altas ginulat ng Stags

NCAA/ September 29,2015 Ryan Costelo of SSCR dive for the ball off Earl Thomson of Perpetual , at the San Juan arena . INQUIRER PHOTO/AUGUST DELA CRUZ

WALA nang pag-asa pang pumasok sa Final Four ng NCAA men’s basketball ang San Sebastian Stags pero hindi ito nanga-ngahulugan na titiklop na sila sa mga nalalabing laro sa liga.
Ito nga ang nangyari kahapon nang tinisod nila ang Perpetual Help Altas, 91-87, sa The Arena sa San Juan City.
Si Jon Ortuoste ay nagpakawala ng 27 puntos habang si Bradwyn Guinto ay may 25 puntos at 11 rebounds para sa Stags na umangat sa kartang 6-11.
Nahulog naman ang Altas sa ika-6 na kabiguan sa 17 laro. Kung nanalo sana ang Perpetual kahapon ay makakasiguro ito ng playoff para sa Final Four.
Sa ikalawang laro, tinalo ng Jose Rizal University ang Lyceum, 64-55, para sa ika-11 panalo sa 17 laro. —Mike Lee

Read more...