Horoscope, September 30, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Katapusan na, ibig sabihin, bagong suweldo. Ngayon pa lang maglaan na ng budget para sa nalalapit na kapaskuhan. Malapit ng amoy-Pasko ang simoy ng hangin, kailangang mapaligaya ang mahal. Mapalad ang 9, 12, 27, 31, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jevatha-Om.” Pink at gold ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Sa pinansiyal, ituloy lang ang kasalukuyang hanapbuhay at dagdagan pa ang pagsisipag, darating din ang araw kusa kang yayaman. Sa pag-ibig, dalasan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo, wag manghinayang sa load – “mag-unli” ka na lang! Mapalad ang 8, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag magpatangay sa magastos na pagdiriwang ng Pasko. Itabi mo lang ang iyong pera at paglaanan ang kinabukasan ng iyong pamilya. Minsan, para umunlad ang buhay ay hindi masamang maging praktikal. Mapalad ang 6, 18, 27, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at maroon ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Lakas ng loob ang dapat. Kumilos nang kumilos upang yumaman. Sa pag-ibig ay ganoon din, kapag mahina ang loob walang kaligayahang makakamit. Mapalad ang 5, 18, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Aum-Yophiel.” Silver at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Huwag mabuhay sa pantasya. Bigyang aksyon at pagkilos ang anumang iniisip. Kapag naisagawa ang lahat ng iyong binabalak, mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, dagdag na romansa ang dapat upang mapaligaya nang husto ang minamahal. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Samantalahin ang pagkakataon ang magandang kapalaran ay paparating na. Sunggaban ang pagkakakitaang inaalok ng isang Aries. Sa pag-ibig, wag nang ipagpaliban pa ang magagawa ngayon – lambingin at romansahin na ang minamahal. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Gohan-Rama.” Blue at gold ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi pangmatagalan ang sobrang busy na nangyayari sa buhay mo ngayon sapagkat ang lahat naman ay lumilipas. Ganoon pa man, ibigay ang 100% mong enerhiya upang maging the best ang bawat sandali. Mapalad ang 5, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om-Umaran.” White at beige ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Kung nagbabalak magpaganda, gawin ito bukas habang suot ang kulay na pulang damit. Sa nasabing kulay, tuloy-tuloy na darating ang ang suwerte at magagandang kapalaran, lalo na sa pag-ibig at sa aspetong pang-pinansyal. Mapalad ang 3, 6, 21, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa red ang yellow ay pink.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa sandaling nagdilim ang langit alalahaning sa bawat makapal na ulap may magandang umagang nagkukubli. Sa pag-ibig, sa araw ng bukas aymakakasumpong ka rin ng wagas at tapat na pagsinta. Sa pinansyal, pagpasok ng Oktubre ay unti-unti na uling dadami ang salapi. Mapalad ang 4, 9, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Lilac at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag intindihin ang sinasabi ng iba, ang mas mahalaga ngayong araw na ito ay mapaligaya mo ang iyong kasuyo. Sa pinansyal, isang Scorpio ang maaari malapitan upang mautangan. Mapalad ang 7, 16, 25, 38, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Green at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Tama ang pagkukuripot kung pagyaman ang layunin. Sa pag-ibig, aanhin ang salitang “pagmamahal” kung pareho naman kayong walang pera. Tandaan na higit na lumiligaya ang isang relasyon kung maraming panggastos. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam-Om-Kebalam.” Gray at orange ang buenas

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa aspetong pang pinansyal, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Sa pag-ibig, maging praktikal upang hindi ka na muling lumuha pa. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Panatiliin ang pagmamahal sa pamilya. Sa ganyang paraan sa aspetong pang-pinansyal at sa larangan ng damdamin, patuloy kang uunlad at magiging maligaya. Tandaan na ang tapat at dalisay na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Est-Aum” Pink at yellow ang buenas.

Read more...