ISANG magandang araw sa mga bumubuo ng in-yong pahayagan. Sumulat po ako sa inyong column sa Aksyon Line dahil hindi namin alam kung ano ang gagawin namin para sa pag-claim ng benipisyo sa aking kapatid na namatay kamakailan dahilan sa sakit na pneumonia.
Binata po ang aking kapatid hindi siya nakapag-asawa pero matagal tagal din po siya na nagtrabaho at sa pagkakaalam ko ay malaki laki rin ang kanyang naihulog na contribution sa SSS. Gusto ko lang sana na malaman kung ano-anong benefits ang pwedeng makuha. Sana ay masagot ninyo ang aking katanu-ngan. Eto po ang kanyang SSS number …..135.
Elena Sarmiento
REPLY: Lumalabas sa a-ming data na mayroong 194 contributions ang in-yong kapatid simula nang magtrabaho ito at malaki laki rin ang kanyang naihulog sa SSS.
Ilan sa mga benipisyo na maaari ninyong makuha ay ang kanyang burial claim na P33,0000 gayundin ang kanyang death claim na aabot sa P195,000.
Maaari naman na makuha ang mga claims na ito sa pamamagitan ng pag-file ng claim sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa inyong lugar.
Magdala lamang ng mga kinakailangang requirements gaya ng SSS ID ng iyong kapatid, birth certificate, receipt ng funeral at marriage contract ng inyong magulang.
Maaari ang inyong magulang ang magclaim ngunit kung wala na ring magulang ay maaari naman na isa sa inyong magkaka-patid.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
SSS
Aabot sa 700 ambulansiya ang ipinamigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong taon.
Kabilang sa mga nakatanggap ng brand-new PCSO ambulances ay ang Cagayan de Oro City, Northern Mindanao Medical Center, Central Mindanao University (Bukidnon), Mindanao University of Science and Technology, Misamis Oriental State College of Agriculture, Mindanao State University (Marawi), Misamis Oriental Cares Tagoloan, Inatao, Balingasag, Opol, at Magsaysay.
Nakatanggap din noong Hunyo ang Claveria, JR Borja, Libertad, Naawan, Talisayan, at Villanueva sa Misamis Oriental ganoon din Cabanglasan at Valencia City sa Bukidnon.
Ang nasabing mga ambulances ay ipinamahagi sa mga kwalipikadong LGUs, hospitals, state agencies at association sa ilalim ng PCSO Ambulance Donation Program.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.