Nakatanggap kami ng tawag kahapon tungkol sa bagong game show ni Luis Manzano, “Paano mo nalaman ‘yan, confidential palang ‘yan at magmi-meeting pa lang sina Luis at ang management.”
Tanong namin kung posibleng mabaril na ang Family Feud dahil inunahan namin ang balita, “On the works nga, pero confi pa,” sagot sa amin.
Sakto at naka-chat namin si Luis kahapon kaya sinunod-sunod na namin ang tanong sa kanya. Wala pa raw linaw ang Family Feud, pero sinabi niyang, “Masaya rin ang Feud, pero confi pa ‘yun.”
At dahil may mga upcoming show si Luis bukod pa sa regular siya sa ASAP20 ay posibleng hindi na niya papasukin ang pulitika sa 2016. Umamin naman agad ang TV host, “Oo nga, mukhang nausog na naman. Thanks sa write-up, ate Regs.”
Kaya ang aabangan na lang naming anunsyo ni Luis ay ang proposal at kasal nila ng girlfriend niyang si Angel Locsin, “Hindi pa naman (proposal at kasal), ABS knows my plans for 2016, uupuan pa namin,” diretsong sagot ng binata.
Hayan maliwanag, no politics na for Luis sa 2016.