Affected much ang marami sa tweet ni Vice Ganda recently na, “Maraming maraming salamat po sa lahat ng Madlang People, Little Ponies at mga Kapamilya (dito sa Araneta at sa kani-kanilang tahanan) na tumutok sa It’s Showtime!
“Thank you din sa lahat ng nakisali sa Twitter Party at nagpa-trend sa #ShowtimeKapamilyaDay with 6.33M REAL and ORGANIC TWEETS. Patunay lamang na TOTOOng pinag-usapan sa social media ang @itsshowtimeofficial_ig at mga Kapamilya Stars na naging bahagi ng ANIMversary Kick-off ng programa. Maraming Salamat, mga Kapamilya!”
May kumuwestiyon sa paggamit ni Vice ng REAL and ORGANIC and even went to the point of explaining what those words meant.
What Vice probably meant when he mentioned ORGANIC is that the tweets naturally came from people without anybody’s influence. It should not be taken as something to mean food because words can be used other than what it is naturally intended for.
Second, talagang hindi katapat ni Vice ang AlDub. Una, dalawa ang AlDub, sina Maine Mendoza at Alden Richards. Hindi ginagawa nina Maine at Alden ang ginagawa ni Vice. Mas maniniwala kaming katapat ni Vice si Allan K dahil pareho silang stand-up comedians.
Third, marunong namang tumulong si Vice sa gay community. Mga beki ang staff niya. When the cross-dressing issue came out sa isang bar where he is an investor ay pumalag naman siya.
Lastly, Vice Ganda need not prove anything anymore sa Metro Manila Film Festival. He has the highest grossing movie, tinalo niya ang movie ni Vic Sotto ng ilang beses. Kung matalo man siya ni Vic this time, hindi solo ni Vic ang credit because kasama sina Alden at Maine sa pelikula nila.
Nag-react din si Joey de Leon and tweeted, “Isang malaking EXCUSE ME lang, HINDI real and organic ang isang bagay na KINOPYA lang. Iba yung developing naturally. #ALDUBThisMustBeLove.”
Kinopya? Ang alin? Tweets ang pinag-uusapan, Joey, so are you insinuating na kinopya ang tweets ninyo?
Joey must realize na in the past ay marami rin siyang kinopyang characters sa movie.
His very own show, Wow Mali, was a copycat of a Hollywood show, the title of which escaped us at the moment.