DUMARAMI ang mga namamasadang habal-habal lalo na sa probinsiya.
Noong una ginagamit lamang ito para makapagbiyahe sa mga malalayong lugar na mahirap puntahan ng mga karaniwang pampublikong sasakyan. Pero dahil sa matinding trapik, mayroon nang namamasadang ganito sa mga lungsod.
Pero kuwestyunable ng operasyon ng habal-habal dahil hindi tulad ng tricycle walang permiso ang pagbiyahe ng mga ito.
Kaya ipinanukala ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy na bigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan upang iregulate ang mga ito.
“Since habal-habal cannot be registered as vehicles for hire, the proliferation of the same is a clear and present danger for the ri-ding public. This is because passengers who get injured or hurt in accidents involving this mode of transportation cannot claim medical benefits or reimbursements since motorcycles-for-hire are not covered by any form of insurance,” ani Uy.
Kung mare-regulate ang habal-habal sinabi ni Uy na mabibigyan ng proteksyon ang mga pasahero kaya dapat umanong ipasa ang panukalang Motorcycle-For-Hire Act.
“The safety of the riding public and the maintenance of existing low-cost transport in the rural and remote areas is the overriding objective of this measure. This bill shall ultimately authorize municipalities and cities to grant franchises for the operationsof habal-habal or motorcycles-for-hire in their respective jurisdictions,” saad ng lady solon.
Sa ilalim ng panukala, ang lokal na pamahalaan ang magbibigay ng prangkisa at rehistro sa mga ito.
Pagbabawalan naman ang mga habal-habal na bumiyahe sa mga national highway at iba pang kalsada na ang takbo ng sasakyan ay lagpas sa 40 kilometro bawat oras.
Ang mga hindi kukuha ng prangkisa ay pagmumultahin naman ng P3,000 hanggang P5,000 at kukum-piskahin ang sasakyan. —Leifbilly Begas
Habal-Habal franchise
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...