Posibleng sumabak na rin sa politika ang award-winning TV host na si Boy Abunda.
Sa pilot episode ng kanyang Tonight With Boy Abunda, sinabi nitong baka raw tumakbo siyang gobernador. Pero mabilis na nilinaw ni tito Boy na hindi ito mangyayari sa 2016 elections.
Sey ng TV host, may isang security guard daw ang nagbigay ng mensahe sa kanya at sinabing iboboto raw siya nito sa susunod na eleksiyon. Ang reaksiyon naman niya rito, “Teka lang, bakit mo naman ako iboboto. I’m not running for the Senate, I’m not running for Congress. Baka Gobernador po in 2019, pero that’s a long time from now.”
In fairness, maraming humihikayat kay tito Boy na tumakbo sa 2016 pero aniya, kailangan pa niyang paghandaan ito nang bonggang-bongga. Gusto raw niya kapag nagdesisyon siyang pasukin ang mundo ng politika ay marami na siyang baon para maging epektibo ang kanyang paseserbisyo sa publiko.