Kim ipinagsigawang niloko at pinaasa lang ng ex-boyfriend

kim chiu

BUONG-NINGNING na i-binandera ni Kim Chiu on national television na niloko siya ng naging ex-boyfriend niya na kahit hindi diretsong pinangalanan ay obvious namang si Gerald Anderson ang kanyang tinutukoy.

Sina Kim at Iza Calzado ang guest ni Vice Ganda sa kanyang late night show na Gandang Gabi Vice para sa promo ng pelikula nilang “Etiquette For Mistresses”. Dito napag-usapan ang tungkol sa panloloko ng mga lalaki sa kanyang mga dyowa.

Unang tanong ni Vice kay Kim, sa pag-portray niya ng isang kabit sa pelikula, ibig bang sabihin nito, okay lang sa kanya na magkaroon ng other woman ang boyfriend o ang magiging asawa niya? Ang tugon ng aktres, “Sharing is good, but cheating is bad.”

Nang tanungin kung nagkaroon na ba siya ng boyfriend na niloko siya at ipinagpalit sa ibang babae, isang mabilis na “oo” ang tugon ng dalaga. Inamin ni Kim na kinompronta niya ang guy noong malaman niyang may ibang babae itong kinakalantari.

Pero chika ng Kapamilya leading lady, hindi niya raw agad-agad hiniwalayan ang kanyang ex-BF, “Kumapit pa ako nu’n,” aniya kay Vice. At sa tanong kung mas maganda ba sa kanya ang naging “kabit” ng kanyang ex-dyowa, “Marami namang klase ang ganda, may gandang pangloob, may gandang panglabas. Okay na yung pangloob…”

Pero sey ni Kim, matagal na raw ‘yun at naka-love na siya nang bonggang-bongga, “It’s part of growing up, the pain. Tsaka, tinatawanan ko na lang ngayon.”

Muling inurot ni Vice si Kim kung noloko ba siya ni Gerald, tugon ng dalaga, “Nananahimik na siya.”
Hirit pa ni Vice, “Nakailang boyfriend ka na?” na sinagot ni Kim ng, “Isa lang,” na ikinahaglapak ni Vice.

Read more...