“Ang sarap manood,” tanging nasabi ng isang kaibigan naming nakatanaw lang sa pag-aaway-away ng mga tagasuporta ng Eat Bulaga at It’s Showtime.
Patuloy ng aming kaibigan, “Kung papatulan mo ang mga patutsadahan nila, e, mawawalan ka na ng panahon para sa sarili mo at sa work mo. Grabe ang awayan nila, batuhan sila nang batuhan, ayaw nilang magpatalo sa bawat isa!”
Sa social media ang awayang pinanonood lang ng aming kausap, makikita kasi du’n ang pagtatanggol ng mga tagahanga ng AlDub sa kanilang mga idolo, meron din naman siyempreng mga loyalista ang It’s Showtime na dumedepensa.
“Hindi kasi matanggap ng mga fans ng It’s Showtime na ipinaglampasuhan sila sa tweets ng mga maka-AlDub. In fairness, ngayon lang naman kasi nangyari ang ganito na milyunan ang labanan.
Imagine, 26 million is 26 million in any language! “Para maipon ang ganu’n kalaking number, e, matindi talaga ang AlDub! Kailangang tanggapin ‘yun ng kanilang kalaban, no match talaga, hindi sila magkakasundo kapag pinanindigan ng kalaban ng AlDub na mas malaki sila,” sabi pa ng aming kaibigan.
Pero sana lang ay hindi maging personalan ang labanan. Sapat nang nag-aargumento sila, pero huwag na sanang mauwi pa ‘yun sa sobrang pagpepersonalan na, hindi na maganda ang kauuwian ng kahit anong laban kapag lumilihis na sa riles ang mga katwiran.
Sa totoo lang.