‘Totoo namang puro kababawan ang pinaggagawa ng AlDub, ‘no!’

yaya dub

BAKIT nagri-react ang ibang AlDub fans pag sinasabing kababawan lang naman ang ginagawa ng mga idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza? Bakit? Pag sinasabi bang kababawan masama agad? Puwede namang kababawang masaya, di ba?

Alangan namang sabihing malalim ang AlDub eh, wala namang ginawa ang dalawang iyan kungdi ang magpabebe nga – yung walang wawang wave ng dalawa na naging viral at nagustuhan ng mabababaw ding audience.

Nagkataon lang na marami talagang mabababaw na mga Pinoy kaya nag-click sila. Wala namang nagsabing krimen ang ginagawa nila – sinasabi lang ng iba na mababaw, mali ba iyon? Naka-timing lang sila dahil sa gitna ng hirap ng buhay ng mga Pinoy ay pumasok ang kababawang ito yet nagustuhan nila.

Kumbaga, naging outlet nila ang kababawan ng AlDub para maging masaya. Kaya doon sa AlDub fanatics na sobrang OA magsitigil kayo. I-enjoy niyo ang moment ninyo for now dahil one day ay lilipas din iyan.

Just have fun at huwag masyadong magyabang. Kumbaga, weder-weder lang talaga iyan. Some say na fake ang sinasabing 25 million plus tweets na nakuha nila last Sa-turday dahil meron na raw paraan para madaya ang tweets-tweets na iyan.

Ako naman, hindi ako makapag-comment dahil wala akong alam sa social media. Sila lang naman ang nakakaalam kung ano ba ang totoo riyan. I don’t know din kung ilang beses puwedeng mag-tweet ang isang tao sa isang araw. As many as you can yata.

Kumbaga, kung masipag kang mag-tweet ay dadami talaga ang makakamit nilang numbers. Lalo pa ang mga nababaliw na AlDub fanatics na iyan, wala naman yata silang ginagawa sa buhay nila kungdi ang mag-tweet.

Sige nga, kung ayaw nin-yong maniwalang kababawan lang ang AlDub-AlDub na iyan, what do you think it is? No one is stopping you naman to patronize it. Kaniya-kaniyang trip lang ‘yan sa buhay, so walang basagan.

The same way na pag hindi trip ng iba ang AlDub, aba’y dapat lang na igalang din ninyo. Ano ito, Martial Law? Na kaila-ngang ipilit ninyo sa lahat na gustuhin ang AlDub kung ayaw nga nila?

“Sa totoo lang, matagal na akong sumusubaybay sa AlDub na iyan at nu’ng umpisa, natuwa ako sa kanila. Cute naman kasi talaga lalo na yung mga banat nina Wally Bayola and the rest of the gang.

Pero habang tumatagal ay parang nauumay na ako. Paasa lang sa audience – pinadudugo nang husto para lalong tumagal ang pakilig nila sa tao. Sobrang stretched ang segment.

Hindi ko naman sinasabing tapusin nila in one day iyon dahil baka nga isang malaking marketing strategy nila ito dahil kinagat nga ng audience yung ganoong drama nila.

“Pero sa totoo lang umay na umay na ako. Kaming mag-anak ay umay na sa style nilang pakilig. Kaya I’ve stopped watching this segment ng Eat Bulaga. Nabola rin nila ako sa start pero I think that guy Alden Richards is overexposed already.

He’s everywhere, pati cooking shows ng GMA 7 ay nandoon siya. Kaya nawawalan na rin siya ng premium as a star, eh. Para lang siguro kumita nang malaki, masyado niyang sinasamantala ang moment ng kasikatan ng AlDub. Parang mali iyon ha.

“Hindi siya magtatagal sa industry pag ganoon. Nakakasawa na kasing panoorin kung lahat ng shows ay si Alden ang guest. Dapat ay piliin naman niya ang la-labasan niya. Para namang napakasuwapang niya sa pera at kasikatan dahil lahat ay nila-labasan niya.

Kaya totoo iyan, I’ve stopped watching this AlDub thing dahil nakakaumay na yung mga wave-wave nila.  “Alam naman nating walang-wawa lang ang ganyan-ganyan nila.

Oks na ako na napanood ko sila for a while – hanggang doon na lang ang kaya ng oras at patience ko,” ang mahabang litanya ng isang kakilala na-ming super-AlDub veiwer din dati pero natauhan na raw siya.

Hindi lang siya ang nakausap ko about this. Maraming taga-Valenzuela City (sa Malinta) ang nagsasabing nauumay na rin sila sa ganoong drama ng AlDub sa Eat Bulaga.

Parang gamit na gamit na raw silang viewers sa ka-cheapang ito. O, ayan, ha, comment ng mga tao ‘yan, baka ako na naman ang i-bash ng mga hitad na ito. Ha-hahaha!

Tulad ng comment ni Ms. Lea Salonga, imagine, talagang pinatikim nila ng kabastusan ang international star nang mag-comment ito sa kababawan ng viewers.

Ipagpalagay nating tinamaan ang AlDub sa statement na iyon ni Lea, anong masama roon? Totoo namang maliwanag na kababawan, di ba?

Read more...