Bistek magpapakasal sa isang kundisyon: Dapat mauna muna sina Bossing at P-noy!

kris aquino

Sa ginanap na pa-birthday celebration ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga entertainment press na nagdiwang ng kanilang kaarawan mula Hulyo hanggang Setyembre ay tinanong namin ang alkalde kung paano nagsimula ang isyung nawala na siya sa pelikulang pagsasamahan nila ni Kris Aquino na entry ng Star Cinema sa 2015 MMFF.

“Di ba, nagsu-shooting ng ‘Etiquette (For Mistresses)’ si Kris tapos nagkakasakit na siya, so nu’ng una, buo na ‘yung pelikula, pero wala pang script, ‘yung cast pa lang.

Then, nagkakasakit nga siya, ayaw na niyang gawin ‘yung pelikula, and then na-pursuade siya na ituloy ‘yung movie pero iba na ‘yung cast kasi malapit na eleksyon.

“Tapos at this point, on Wednesday (Sept. 30), ia-announce na ‘yung Liberal Party ‘yung kanilang Vice-Pre-sident, Senators, which I belong to the same party, Liberal Party and may isang term pa naman ako (Mayor), but my name is in the list of possible Senatorial candidates.

“So, tapos biglang natuloy ang pelikula at supposedly, si Derek (Ramsay) yata (ang ipapalit). But it was not done deal between Star Cinema and Derek. Last Tuesday (Sept. 22), nag-meeting kami ni tita Malou (Santos) at tuloy ang movie, kasama na ako.

“Sabi ko nga, okay lang kung hindi ako kasama, but si tita Malou mismo ang nagsabing, ‘We want you there, ikaw ang original, hindi puwedeng iba, somebody else could take the role, pero you’re the original cast.’

“Then I was informed that October 9 ang resume ng shooting kasi nag-shoot na ako ng one day, so magre-resume ng shooting sila (Kris) on October 9.

“Hindi ko lang alam kung kasama ako sa resume shooting nila and I’m thankful sa Star Cinema kasi I’m still part of the movie. Kahit naman maliit lang ‘yung role, basta ang importante may raket. Ha-hahaha!

“And I think, kasama ang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) sa movie, tapos ‘yung kina Vice (Ganda) yata JaDine (James Reid at Nadine Lustre),” kuwento ni Bistek.

Tanong namin kay Herbert kung bakit naiba na ang titulo ng pelikula, mula sa “Mr And Mrs Split”, naging “Love, Love, Love” na ito, “Kasi si Kris naman nakilala sa salitang love, love, love saka may kantang love, love, love, pinapahanap ko nga, eh.

And I hope magkatuluyan ang Viva Films at Star Cinema sa co-production kasi Viva is my manager,” kuwento ni Herbert. Sa madaling salita, out na si Derek sa pelikula, “Well, kung gusto niya, okay lang.

I really don’t know, ang alam ko lang yung sa akin.” Tinanong din namin kay Mayor Bistek kung nagkabalikan ba sila ni Kris, “Ha? Nagkabalikan? Wala kami no’n, eh.

Sinabi naman niya (Kris), hindi, di ba? So hindi,” nakangiting sagot ng aktor-politiko. In the future ba may balak pa siyang magpakasal, “Oo. Hinihintay ko lang magpakasal si Bossing (Vic Sotto) at si Pauleen (Luna), tapos si P-Noy naman. Ay wala bang girlfriend?” natatawang sey ni Bistek.

Diretsong tanong namin kung plano bang balikan ni Herbert si Kris, “Wala naman, magkatrabaho lang kami ngayon,” alanganing sabi niya.

Kaya biro namin, tatanungin namin siya uli kapag nagsu-shooting na sila ni Kris, “Sige, ask me again during ng shooting,” natawang sabi ng alkalde.

Ikaw bossing Ervin, anong hula mo? (Feeling ko wala na silang pag-asang magkabalikan kasi, simula pa lang, magulo at maiskandalo na, e! At talagang sumagot ako sa ‘yo! Ha-hahaha!

Read more...