Ate Vi kinoronahang ‘Queen of the Province’ ng mga Muslim

vilma santos

TUMANGGAP ng bago at natatanging parangal si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. Kinoronahan ang Star For All Seasons bilang Queen of the Province, Holder of Authority (Baealabi A Gausa Sa Batangas) ng Muslim community ng probinsiya noong Sabado sa Lima Park Hotel sa Malvar/Lipa City Batangas.

Ang Royal Highness Sultan Paramount Faizal Coyogan Benaning Bansao ng Royal Houses ng Sultanate of Batangas ang nag-crown at nag-confer ng title kay Gov. Vilma sa isang Royal Enthronment Ceremony.

Mahigit 3,000 Muslim brothers at leaders ang sumaksi sa nasabing seremonyas, hindi lang ang nagmula sa Batangas kundi maging sa ibang bansa gaya ng Brunei at Malaysia.

Proud at dama ang excitement sa gobernadora na dumalo sa event habang suot ang isang Muslim costume. “Malaking karangalan para sa akin dahil kasama ko ang mga kapatid nating mga Muslim para matupad ang maayos na programa sa Batangas mula pa ng Mayor ako.

Salamat kay Sultan Paramount Faizal Coyogan Cocoy Bansao. Mabuhay po kayo! Muli, sa pangalan ng mga Batangeno at sa Mayor ng Lipa, maraming salamat po sa karangalan!” pahayag ni Ate Vi.

Nais ding iparating ni Gov. Vilma sa mga nagmamahal sa kanya na labas na ang cover niya kasama ang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa October issue ng YES Magazine.

Ngayong Oktubre rin nakatakdang ipalabas ang latest movie niya under Star Cinema kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.

Read more...