Nangunguna sa senatorial polls; sila-sila pa rin

sotto-marcos
Apat lamang sa 14 na pangalan na posibleng manalo sa pagkasenador sa 2016 elections ang hindi pa nauupo sa Senado.
Ayon sa survey ng Pulse Asia, nangunguna si Sen. Tito Sotto na iboboto ng 63.6 porsyento. Sumunod sa kanya si dating Sen. Panfilo Lacson na may 59.3 porsyento.
Pangatlo naman si Sen. Bongbong Marcos (54.9 porsyento), Senate President Franklin Drilon (48.2), dating Sen. Kiko Pangilinan (46.6), Sen. Ralph Recto (45.4), dating Sen. Juan Miguel Zubiri (41.4).
Nanguna naman sa mga hindi pa nagiging senador pero posibleng manalo si Sarangani Rep. Manny Pacquiao (39.6), Sen. Serge Osmena (38.7), dating Sen. Richard Gordon (36.8), Las Pinas Rep. Mark Villar (35.8) at dating Sen. Jamby Madrigal (35.2).
Nasa winning range naman si dating Justice Sec. Leila de Lima (35.2) at Taguig Rep. Lino Cayetano (34.2).
Sumunod naman sina PhilHealth director Risa Hontiveros (31.3), Sen. TG Guingona (28.8), Buhay Rep. Lito Atienza (25.8), Manila Vice Mayor Isko Moreno (25.1), Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon (24.2), Makati Rep. Abigail Binay (23), dating Pampanga Gov. Mark Lapid (23), Camarines Sur Rep. Leni Robredo (21.8), MMDA chair Francis Tolentino (17.4), Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian (15.8), aktor an si Dingdong Dantes (15.1), TESDA director Joel Villanueva (12.6), dating Cavite Rep. Gilbert Remulla (10.1), at ang iba ay mababa na sa 10 porsyento.
Ginawa ang survey mula Setyembre 8-14 ay kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Read more...