Maria Letizia ang magiging pangalan ng baby nina Dingdong at Marian

dingdong dantes

Maria Letizia Dantes ang magiging pangalan ng pa-nganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Inihayag ito mismo ng GMA Primetime Queen sa ginanap na baby shower na ibinigay para sa kanya ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa Marriott Grand Ballroom Hotel.

Sey ni Marian, “Yung lola ni Dong at saka yung kapatid ng papa ko, parehong Leticia. So, tugma talaga.” Kasabay nito hiniling din ng aktres sa kanyang mga tagasuporta na ipagdasal siya sa kanyang panganganak, “Please pray for me na mailabas ko siya ng matiwasay.”

Inaasahang manganganak si Marian sa first baby nila ni Dingdong sa darating na November.

Read more...