Ai Ai sa Bashers: Mga baboy ang isip, baboy ang buhay nila!

aiai delas alas

GALIT na galit si Sancho delas Alas, panganay na anak ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas dahil sa mga malilisyoso at bastos na komento ng ilang netizens tungkol sa ginagawang pagtulong ng kanyang ina kay Jiro Manio.

Hindi na napigilan ng Kapuso actor ang kanyang sarili at talagang pinatulan na ang mga bashers na nagsasabing kaya raw tinutulungan ni Ai Ai si Jiro ay dahil gusto niya lang itong mapalapit sa kanyang nang todo para in the future ay maging boyfriend niya.

Sa Facebook idinaan ni Sancho ang kanyang matinding pagkainis sa bashers ng kanyang ina, “Nakakalungkot/nakakairita yung ibang comments na nagsasabing ‘magkakatuluyan si Jiro at AiAi,’ ‘may tendency na pumatol sa bata si AiAi.’ Hindi niyo po kilala ang nanay ko.

“Alam ko na may kanya-kanya tayong opinyon. Pero walang ibang hinangad ang nanay ko kundi ang tumulong. At siyempre, anak din niya si Jiro sa Tanging Ina. Kasabay ng mga kapatid ko na lumaki ng mga anak ng nanay ko sa Tanging Ina, na parang mga kapatid na rin namin.

“Kaya sa mga lahat ng nagsasabing magiging si Jiro at ang nanay ko, pasensiya na po talaga, pero ang bobo niyo. Wala na nga kayong naitulong na mga putragis kayo, kung ano pang mga kalechehan ang mga sinasabi niyo, mga punyetang masasama mag-isip.

‘Wag na kayong kumumento, kung wala rin ka-yong maitutulong sa i-kabubuti ni Jiro. Peste!” litanya pa ng binata.Kumalat din sa social media kamakailan ang Instagram post ni Ai Ai kung saan makikitang magkasama sila ni Jiro.

Mukhang maaliwalas na nga ang hitsura ngayon ng young actor matapos ang halos tatlong buwan sa wellness institution. “Ayan, nakangiti na siya. At saka, pinasulat ko letter sa daddy niya sa Japan.

And may sulat din siya daddy Andrew niya. Kakatuwa, ibang-iba na siya, konting-konti na lang. PRAISE GOD, Salamat LORD AT NAKILALA KA NA NI JIRO,” sey ni Ai Ai.

Nagkomento rin ang komedyana sa isang post ni Sancho sa kanyang FB account, sabi niya sa anak, “Oo nga anak, ‘wag munang pansinin ang mga ganyan.

‘Di ba, sabi nga JUDGING A PERSON DOES NOT DEFINE WHO YOU ARE, IT DEFINES WHO THEY ARE. MGA BABOY ANG MGA ISIP, BABOY ANG BUHAY NILA.”

Read more...