Glaiza makikipagbiritan kay Regine; paliligayahin muli ang mga Tibo

glaiza de castro

ISA si Benjamin Alves sa nababalitang nanliligaw ngayon kay Glaiza de Castro, very open ang Kapuso actor sa pagsasabing attracted siya sa dalaga pero ayaw niyang diretsuhin kung pinopormahan nga niya ito.

Best friend ang turingan ng dalawang Kapuso stars, sa katunayan, ilang beses na raw dinadalaw ni Benjamin si Glaiza sa mga recording at rehearsal nito, bukod diyan, dinadalhan din daw ng binata ang aktres ng pagkain.

Sey ni Glaiza sa isang interview, “Naa-appreciate ko ‘yun talaga. Nakakatuwa na may mga taong ipinapa-feel na, in a way, importante ka.” Pero nang tanungin kung nililigawan na ba siya ni Benjamin, hindi agad sumagot si Glaiza. “Hindi ko pa masabi.

Parang hindi yata dapat sa akin manggaling ‘yun,” sey ng dalaga. Matatandaang sinabi ni Benjamin na espesyal sa kanya si Glaiza, “I’ve always been attracted but, you know… Bahala na, huwag na muna nating pag-usapan yun.

Baka naman may ibang nanliligaw kay Glaiza.” Samantala, unti-unti nang natutupad ng Kapuso leading lady na si Glaiza de Castro ang kanyang pangarap bilang isang total performer, dahil ngayong Oct. 3 ay gaganapin na ang kanyang first major solo concert sa Music Museum.

Pinamagatang “Dreams Never End”, sa concert na ito ibabahagi ni Glaiza ang ilan sa mga kantang ginawa niya na bahagi rin ng kanyang self-produced album titled “Synthesis”.

Sinisiguro ng Kapuso singer-actress na mas makikilala pa siya ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa pama-magitan ng mga inihanda niyang production number sa show.

Inamin ni Glaiza na magkahalong saya at kaba ang nararamdaman niya ngayon pa lang sa nalalapit niyang first major solo concert, “Ever since the launch of Synthesis, I’ve become more inspired to share my music.

Excited ako to perform my songs to everyone and above anything else , I want to make it intimate for my fans. This is going to be my way of saying thanks.”

Makakasama ni Glaiza sa napakaimportanteng event na ito sa kanyang buhay at karera ang ilan sa mga kaibigan niya sa music industry, tulad nina R&B King Jay-R, rock icon Kitchie Nadal at acoustic idol Aiza Seguerra.

Makikipagbiritan din si Glaiza sa nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.  At siyempre, may bonus treat pa si Glaiza para sa mga RaStro fans nila ng kanyang ka-loveteam sa The Richman’s Daughter na si Rhian Ramos dahil makiki-jam at makikipagkulitan din ang Kapuso actress sa concert ni Glaiza.

In fairness, may mga lesbian fans daw sina Glaiza at Rhian mula sa ibang bansa na talagang uuwi pa sa Pili-pinas para manood ng concert niya.

Ang “Dream Never Ends” ay sa direksiyon ni Rico Gutierrez, kasama si Marc Lopez bilang musical director at GMA Network as official media partner.

Samahan si Glaiza de Castro sa pagtupad ng kanyang mga pangarap at ma-inspire at ma-in love sa kanyang mga kanta, sa Oct. 3 na yan sa Music Museum.

Kaya sa mga gustong makapanood ng kakaiba at bago sa panlasang concert, tikman ang handog ni Glaiza dahil tiyak na hindi kayo magsisisi at manghihinayang. For tickets, call Maricris Andaya, 0917-835 0301.

Read more...