KRIS maraming ‘KARANASAN’ sa tibo | Bandera

KRIS maraming ‘KARANASAN’ sa tibo

- October 05, 2012 - 04:32 PM

‘Naramdaman ko talaga kung paano sila manligaw!’

KUNG may isang youngstar na napakatotoo sa kanyang sarili at sa ibang tao, at kung may isang artistang kinabibiliban namin dahi sa walang kakiyeme-kiyeme niyang pagsagot sa mga maiintrigang tanong, ‘yan ay walang iba kundi ang GMA Teleserye Princess na si Kris Bernal.

Ang sarap kasing kausap ng Kapuso young actress dahil hindi siya tulad ng iba diyan na paiikut-ikutin ka pa bago tumbukin ang issue.

Ibang-iba si Kris dahil lagi siyang nagpapakatotoo at sincere sa kanyang mga sagot.

Tulad na lang ng naging tugon niya sa isyu sa kanila ng Kapuso hunk actor na si Carl Guevara, diretsahan niyang inamin na totoong pinagbawalan muna niya itong manligaw sa kanya dahil ayaw niyang maapektuhan ang bago niyang serye sa GMA, ito ngang Pinoy version ng hit Koreanovelang Coffee Prince kung saan makakatambal niya uli si Aljur Abrenica.

Sila ang gaganap sa makasaysayang karakter nina Andy at Arthur.

Say ni Kris, “Nagkaroon kasi ng weeks na naging busy ako, nagsunud-sunod kasi kami ng taping sa Coffee Prince, so hindi na ako masyadong nakakasagot sa mga text niya, kapag nagyayaya siyang lumabas, hindi na ako makaoo, kasi kapag free time, ipinapahinga ko na lang. “Kapag gusto niyang pumunta ng bahay, sabi ko hindi rin puwede kasi nga magpapahinga muna ako.

Nagte-text pa rin naman siya hanggang ngayon, So, ganu’n lang, kapag may time naman ako para i-entertain siya, go!

“Mabait kasi si Carl, e. Tsaka ang tiyaga-tiyaga niya sa akin.

Pero sabi ko nga, kapag nasa trabaho ako, hindi ko talaga ginagalaw ang phone ko,” esplika pa ng aktres.

Maluha-luha naman si Kris nang tanungin namin kung ano ang naging reaksiyon ni Carl? “Naawa nga ako, e.

Kasi alam mo, ang tiyaga niya talaga.

In fairness sa kanya. Ganito ha, kapag minsan, sobrang busy, di ba? Hinihintay niya talaga, ako.

Minsan nasa parking lang siya, waiting. Minsan, bumibiyahe lang siya dito sa Quezon City, wala naman siyang gagawin, tapos hihintayin niya lang ako matapos sa trabaho.

Ganu’n siya katiyaga.

“Siyempre, gusto ko naman ‘yung ganu’n, sino ba namang babae ang hindi kikiligin sa ganu’n, di ba?

Kaso nga lang, minsan nape-pressure ako, kasi alam kong may naghihintay sa akin, so kahit paano affected ‘yung work ko, kasi parang minamadali ko rin, na gusto ko nang matapos agad kasi nga may naghihintay sa akin.

“So, sabi ko, huwag na muna. Ngayon halos hindi na kami nagkikita.

Hindi na kami masyadong lumalabas.

Gusto ko kasi talagang pagbutihan sa Coffee Prince,  ang hirap din ng role.

Tsaka ang taas ng expectation nila.

“Ako kasi, napanood ko talaga ‘yung Korean version ng Coffee Prince, hindi pa ako artista nu’n.

Kaya alam kong mahirap, so pinag-aralan ko talaga siya.

Ngayon nga lahat ng barkada ko ngayon, lalaki, pati sa set namin.

Sabi  ni direk Ricky (Davao), sumama ako lagi sa mga portalet boys, sa mga utility, mga lalaking staff daw ‘yung samahan kong kumain, tapos obserbahan ko daw sila para makuha ko ‘yung tamang galaw at pagsasalita.

“Nakukuha ko naman siya, pero minsan kapag may pahinga, kapag mga one week kaming walang taping, pagbalik ko sa set, nakakalimutan ko na naman.

So, kailangan talaga consistent. Focus dapat!” paliwanag pa ni Kris.

Kumusta naman sila ni Aljur? Na-miss ba niya ang kanyang original na ka-loveteam? “Oo naman, na-miss ko siya. Tsaka, na-miss din naman daw niya ako, sinabi niya sa akin ‘yun.

“Tsaka sweet kami, palagi niya akong niyayakap, tuwing mag-i-start ang taping namin, kulitan, pero nandu’n na ‘yung pagiging serious talaga sa trabaho. Iba na kaming mag-isip ngayon, mature na talaga.”

Tinanong din namin si Kris kung may karanasan na siya sa tomboy dahil nga parang lesbian na rin ang role niya sa Coffee Prince?

“Oo naman, kasi nu’ng high school ako, all girls kami, di ba?

E, uso du’n ‘yung mga shivoli (read: tiboli, tomboy).

Naramdaman ko rin kung paano sila manligaw.

Ano lang typical na flowers, mag-iiwan sa locker ng mga notes.

At alam ng nanay ko ‘yan, ha.

Ikinukuwento ko naman kasi sa family ko lahat ng nangyayari sa akin.
“Hindi rin naman ako open sa ganyan, pero ang dami kong barkada na tomboy.

Kapag may mga nanliligaw, sinasabi ko naman sa kanila na ayoko ng ganu’n, hindi ako ready sa ganyan.

Wala po akong nakarelasyon, may mga nanligaw na umasa, pero hindi natuloy sa relationship,” sey ni Kris.

Magsisimula na sa Oct. 8 ang Coffee Prince after Luna Blanca sa GMA TeleBabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama nila rito sina Benjamin Alves, Max Collins, Kim Komatsu, Steven Silva, Boy2 Quizon, Sef Cadayona, Fabio Ide,  Tessie Tomas, Leo Martinez, Ces Quesada, Ronnie Henares at Celia Rodriguez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending