AlDub fans pinasaringan? Lea Salonga inulan ng batikos dahil sa ‘kababawan’ tweet

KUNG nakakamatay lang ang mga bash sa social media, siguro ngayon ay tigok na ang multi-awarded singer and actress na si Lea Salonga dahil sa komento nito tungkol sa “kababawan”.

“Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo,” ang mahiwagang tweet ni Lea nitong Sabado.

Hindi naman pinalagpas ng netizens ang pahayag ng magaling na aktres at paniwala ng mga ito na ang pinatutungkulan niya ang split-screen loveteam ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ipinost ni Lea ang tweet nitong Sabado habang di magkamayaw sa pagtu-tweeet ang AlDub hinggil sa paag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya Dub sa mansion.

Nilinaw naman ng aktress na wala umano siyang bina-bash sa kanyang tweet, at ang gusto lang niyang iparating ay ang pagkakaroon ng “balance between what is fun and serious”.

“For those of you that replied about BALANCE, you rock my world. That’s what I was after. We all need fun, but that can’t be all there is,” pagpapatuloy pa nito.

Wala nga raw din siyang idea kung ano yung AlDub at ngayon lang niya ito narinig.

“Uhmmm… I have no idea what’s going on. Why did people assume I was tweeting about AlDub? I wasn’t. I don’t know about it. So why the hate?” paglilinaw ni Lea.

“I’m slowly learning about the whole AlDub phenomenon. It teaches positive values, most notably LOVE. So why the hate, AlDub fans?” dagdag pa nito.

Si Lea ay kasalukuyang nasa New York City para sa play na “Allegiance” na opisyal na magbubukas sa Broadway sa Nob. 8.

 

Read more...