Gabay Guro patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga kabataang Pinoy

michael pangilinan

ISA ang anak-anakan na-ting si Michael Pangilinan sa babies ng Gabay Guro ng PLDT – ang pinakamamahal na project ng big boss ng PLDT na si Mr. Manny V. Pangilinan na nagbibigay-pugay sa ating mga guro sa buong kapuluan – hindi lang po sa Pilipinas kungdi pati na rin ang mga gurong Pinoy sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

This project has helped so many teachers all over the world already, giving them full support in every way. Marami nang natulungan ang Gabay Guro ng PLDT amongst them – one of which ay ang mga guro at mag-aaral sa Sabah.

Ilang classrooms din ang naipagawa nila through Gabay Guro many months ago. Napakala-king bagay nito para sa kanila kaya ganoon na lang ka-aggressive ang mga tao sa likod ng napaka-noble project na ito ng PLDT.

Anyway, part of the advocacy ay ang pag-gather ng napakaraming guro all over the region to enjoy some entertainment numbers from our great musical artists and comedians.

And so far, always ka-join ang baby nating si Michael. Mahal na mahal ni Michael ang Gabay Guro and vice versa. Kahit noong magkaroon sila ng event sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinamahan ko si Michael doon.

Kasama namin that time sina Ms. Regine Velasquez (na kahit may sakit pa that time ay hindi talaga nagpaliban dahil gusto niyang makatulong sa mga teachers), Ate Gay, Regina Otic and Derek Ramsay.

Ang saya-saya namin that time and punumpuno talaga ang auditorium sa KL. And in fairness sa alaga nating si Michael, dinumog siya ng mga tao. Grabe iyon – unbelievable!

Anyway, nu’ng tinawagan kami ng mga friends namin about this event sa SM MOA Arena today, nagkaroon kami ng conflict sa sked. May naka-block off kasing Harana show sa SM Cabanatuan na nalipat sa SM Muntinlupa pero na-cancel naman.

Nang malaman ni Michael na cancelled ang Harana mall show na i-yon, he asked me kung puwede pa raw ba siyang humabol sa Gabay Guro event na ito scheduled today sa SM MOA Arena nga and when I called our friends sa PLDT ay pumayag sila.

In fact natuwa pa sila dahil perfect attendance si Michael sa Gabay Guro events nila. “Ewan ko ba kung bakit sobrang lapit sa puso ko nitong Gabay Guro ng PLDT. Maybe because I am very close to Mama Chaye Cabal-Revilla who is one of those in charge of this event.

Ganoon din si Tito Gary Dujali na nakasama ko na rin sa Kuala Lumpur. Ang saya namin that time time. Plus yung grupo ni Tita Aleli Bustamante na sobrang asikaso kami.

“Masaya kasi ang grupong ito lalo na si Ms. Regine Velasquez na super supportive sa akin. They are all family to me kaya ganoon kahalaga sa akin ang Gabay Guro. It’s a wonderful experience to be with this group – sobrang saya ko tuwing kasama ko sila.

And for the teachers kaya ito kaya dapat lang na ibigay sa kanila ang lubos na saya, di ba?” tuwang-tuwang sambit ni Michael.

Marami silang maggi-guest sa Gabay Guro event na ito today – sa pagkakaalam ko makakasama ni Michael sina Ate Gay, Regina Otic and Ms. Regine with Pops Fernandez, Gary Valenciano and Martin Nievera and many more.

Kaya asahan ninyong iba ito – bongga kung bonggahan din lang ang pag-uusapan.

Read more...