Kris di bibitiwan si Bistek, tuloy na ang pagtatambal sa 2015 MMFF

kris aquino herbert

Follow-up ito sa nasulat namin dito na babalikan kami ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang final decision ng Star Cinema kung sino na ang magiging leading man ni Kris Aquino sa pelikulang “Mr. And Mrs. Split” na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Nasulat kasi kamakailan na papalitan na si Quezon City Mayor Herbert Bautista ni Derek Ramsay dahil aabutan daw ng election ban ang una.

Bukod dito ay baka magkaroon ng problema sa parte ni Bistek na baka punahin ng taumbayan na mas inuuna pa nitong mag-shooting ng pelikula kaysa ayusin ang problemang kinakaharap ng Quezon City tulad ng trapik at marami pang iba.

Makailang beses naming tinext si kuya Boy kung natuloy ang meeting nila nina Kris at Star Cinema boss na si Malou Santos kasama ang direktor na si Antoinette Jadaone noong Martes ng gabi, pero hindi kami sinasagot ng TV host.

Tinext din namin ang publicity head ng Star Cinema na si Mico del Rosario pero hindi rin kami sinagot. Insider naman ng ABS-CBN ang nagsabi sa amin na, “Saan ba kasi galing ang tsikang si Derek na ang leading man ni Kris? Si Herbert pa rin, hindi nabago.”

Binanggit namin na parang may insinuation kasi si Kris sa presscon ng “Etiquette for Mistresses” na kailangan muna nilang humingi ng permiso sa MMDA para sa pagbabago na gagawin sa pelikula at nabanggit ding tuloy niyang gagawin ito kasama ang anak na si Bimby.

At nang tanungin kung si Bistek pa ang leading man ay hindi na sumagot ang Queen of All Media dahil nakatitig na raw sa kanya ang Star Cinema exe-cutive na si Roxy Liquigan at baka kung ano pa ang masabi niya.

Nagtanong ulit kami sa isa pang taga-ABS-CBN tungkol sa meeting at mabilis kaming sinagot ng, “huh? Wala namang meeting ah, taping ng AA (Aquino And Abunda Tonight) ang meron, meeting waley.”

Kaya siguro hindi na kami sinagot nina kuya Boy at Mico ay dahil wala namang pagbabago sa leading man ni Kris, sa madaling salita si Herbert pa rin siguro ang makakatambal ng TV host sa kanyang MMFF entry.

Speaking of Kris, confident ang TV host-actress na kahit ang mga legal wife ay manonood ng “Etiquette For Mistresses” kaya hindi na raw niya kailangang kumbinsihin ang mga bumabatikos sa kanilang pelikula.

Sa panayam ng ABS-CBN, si-nabi ng TV host na okay lang kung hindi manood ang bashers ng pelikula, “They don’t have to. There are enough people who will watch. O kaya niyo ‘yun? Confident! No, hello we’re opening in more than 200 theatres.

Alam ko na e, mararamdaman mo from people you talk to, from places you go to that there’s ‘yung ano, palpable excitement to watch.” May nakilala rin daw si Kris na mag-asawa nang magpunta siya sa St. Padre Pio, at isa lang ang napatunayan niya, “Kung ang misis gusto namang panoorin at dapat sila talagang mabwisit, pero lahat ng mga married friends ko are so eager to watch the movie and to bring their husbands to watch siguro para kukurot-kurutin nila along the way, hindi na ako kinakabahan.”

Read more...