Susuwertehin pa kaya sa ikalawang pag-aabroad? (2) | Bandera

Susuwertehin pa kaya sa ikalawang pag-aabroad? (2)

Joseph Greenfield - September 27, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Nita ng San Agustin St., La Carlota City, Negros
Problema:
1. Dati na akong nang-galing sa Dubai at nakaipon naman kahit na papaano ng kaunting halaga. Kaya lang dahil ako lang ang inaasahan sa amin at halos walang may trabaho sa mga kapatid ko, wala pang isang taon naubos na ang ipon ko at na isanla ko pa yong lupa at bahay na dating nabili ko noong nag-aabroad pa ako. Sa ngayon masasabi ko pong walang-wala na talaga ako. Simot na simot as in puro utang na ang ikinabubuhay ng aming pamilya.

2. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield, upang itanong kung sakali kayang mag-aplay uli ako sa abroad, may ikalawang pangingibang bansang bang itatala sa aking kapalaran? At tulad ng dati magiging mabunga pa rin kaya kahit na sa ngayon sa edad kong 39 ay medyo may edad na ako. July 4, 1976 ang birthday ko.
Umaasa,
Nita ng La Carlota City, Negros
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing tulad ng tubig, na siya ring elemento ng sign na Cancer, tatangay-tangayin ka lang ng alon, ngunit sa nga-yon, ang alon na ito ay alon ng muling pagtatagumpay sa iyong career sa pamamagitan ng muling pangingibang sa tulong ng isang kaibigang Scorpio.

Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing lagi ng magkahalong tagumpay at kabiguan ang iyong kapalaran, pero sa bandang huli sa edad mong 49 pataas, puro tagumpay na lang ang itatala na nangangahulugang sa nasabing panahon hindi na mapipigilan ang iyong pag-unlad hanggang sa tuluyang yumaman.

Luscher Color Test:
Mapalad ka sa kulay na berde at dilaw. Isuot at gamitin mong lagi ang nasabing kulay. Sa ganyang paraan, anoman ang naisin mo sa buhay na ito tuloy-tuloy ka ng uunlad at magtatagumpay.
Huling payo at paalala:

Nita ayon sa iyong kapalaran ang buhay mo ay tulad ng “gulong ng kapalaran” tataas-bababa, at nasa ibaba ka sa kasalukuyan, ngunit pagsapit ng taong 2016 sa buwan ng Enero, tulad ng nasabi na, ganap at tuluyan ng matutupad ang ikalawang mas mabunga at mas mabiyayang pangingbang bansang sa iyong kapalaran na magbubunga ng malaking pag-unlad at pag-asesno hanggang sa tuloy-tuloy ka na ring yumaman sa taong 2025 sa edad mong 49 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending