Jessy galit na galit: Tumigil na kayo! ang kikitid ng utak n’yo!!!

jessy mendiola

Galit na galit si Jessy Mendiola sa mga bashers nila ni JM de Guzman. Sumabog ang emosyon ng aktres dahil ayaw silang tantanan ng mga netizens na puro kanegahan ang pinagsasasabi.

Narito ang aria ni Jessy sa kanyang Instagram post: “Tigilan niyo akong lahat. Hindi niyo alam pinagdadaanan ni JM ngayon at mas lalong hindi niyo alam nangyayari sa aming lahat.

“Ang kikitid ng mga utak niyo, kaya hindi ako nagsasalita sa mga interviews dahil ayoko nang humaba pa. Sige antayin niyo, sasabihin ko para ma-nahimik na kayo.”

Recently, Jessy also denied reports na naghiwalay na sila ni JM nang dahil sa mga pinagdaraanan ngayon ng kanyang boyfriend.

Read more...